Nag-aayos ako ng blog eh, kaya ilagay ko na lang itong mga random thoughts ko dito...
___
Hehehe, marunong na ako mag-drive ng sasakyan!...1/11/2009
Ang hirap-hirap talagang ipaliwanag sa kanila....10/14/2008
Ilang "araw" na lang ako dito sa opis, hehehe....excited na gyud ko sa bag-o ko na buhay!8/27/2008
Well, magkakaroon na naman ako ng panibagong mundo... malapit na 'yun... at sana okay na talaga ito...ito na nga siguro 'yun....7/8/2008
Graveh...inaantok akoohhhh, 'di naman pwede matulog dito...dito sa opis mga sipsep, ick...pero excited na 'kong panoorin ang pelikulang "Serbis"....6/27/2008
Nami-miss ko na mga kaibigan ko sa Mindanao, lalo na sa Davao...kaso hindi pa panahon....6/17/2008
Medyo alam ko na...alam ko na kung bakit ako ganito ngayon...sana tama ako....6/16/2008
Ewan ko ba, bakit naman ganito? 'di ko na talaga alam sarili ko ngayon...'di ko na talaga maipaliwanag...6/11/2008
___
Bwiset ang Final Crisis! Well, pakunswelo ang "Legion of 3 Worlds"...da best talaga si George Perez!...2/12/2009
Final Crisis No. 6 na! Medyo gumaganda na ang mga pangyayari, medyo mabagal nga lang. Badass talaga si DARKSEID, pati na rin ang mga mythos nya! Okay ang ginawa nila kay Mary Marvel! Libra rules!...1/11/2009
May nakalkal ako na libro sa room namin kagabi... meron pa pala akong librong hindi pa tapos basahin, kaya sinisimulan ko na uli, tapos na 'yung isa eh (Bulaklak sa City Jail)...eto naman, kay Mr. Terry Pratchett, ang "The Last Hero: A Discworld Fable"....8/6/2008
Wala na si J'Onn... ang paborito kong martian... okay ang pagkakasulat ni Mr. Tomasi sa kanya sa Final Crisis: Requiem....7/14/2008
Final Crisis no. 2 na! Medyo okay na ang daloy ng istorya...7/4/2008
May nakuha akong bagong libro ni Bb. Lualhati Bautista, ang "Bulaklak sa City Jail"...well, dati na naman 'yun, pero ngayon ko lang nakuha eh...sisimulan ko ng basahin 'yun...6/16/2008
Kagabi, sa pagtambay ko sa National Bookstore sa Cubao (malapit lang kasi sa tinutuluyan ko, ika nga eh "walking distance" lang, may nakita ako! May bago pa lang libro si Bb. Lualhati Bautista! Desarpe... desaperace... "Desaparesidos", 'yun ang titulo! Parati na lang ako nabubulol sa salitang 'yun! Aha, pag-iipunan ko 'yun! 6/12/2008
Libro, wala pa...pero apat (4) pa ang nakapila (Lord of the Rings: The Two Towers, Lord of the Rings: Return of the King, A Prayer for Owen Meany at Daluyong)...sa kasalukuyan (meaning kapag umuupo ako sa trono, hehehe o bago matulog - nagpapantok!), komiks pa rin...Trinity No. 1 at Final Crisis No. 1 ng DC comics! 6/11/2008
Wednesday, February 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment