Tuesday, March 09, 2010

Kakaibang palay!

Hanga talaga ako sa mga hapon sa pagmamahal nila sa kultura at kagalingan nila sa sining...eto, isang halimbawa ng installation art! Nakuha ko ito sa e-mail ko, magandang i-post dito at makita nyo.

Photobucket
...ganito muna...mukhang ordinaryong pagtatanim lang...

Photobucket
...makalipas ang ilang araw, wala pang masyadong nakikita...

Photobucket
...ilang araw pa at medyo may naaninag na...

Photobucket
...at heto, medyo lumaki na 'yung mga halaman at nagiging klaro na...

Photobucket
...at ito na nga, klaro na! Walang dye o ink na ginamit, natural na kulay ng mga dahon ng palay, gumawa sila ng mga variety na kulay ube, itim, puti at iba't-ibang pusyaw ng berde!

Photobucket
Ito pa ang ibang mga disenyo...

Photobucket
...ito, grabe ang disenyo at detalye...isang "Sengoku na mandirigma"...kuha sa may Inakadate, Japan...

Photobucket
...si Napoleon na nangangabayo...

Photobucket
...mga gawa-gawang karakter ng mandirigmang si Naoe Kanetsugu at ang kanyang asawa na si Osen, na bida sa teleseryeng "Tenchijin"...

Photobucket
...maski ang mga anime character na si Doraemon...

Photobucket
...sa malapitan,ito ang itsura ng mga palay, hindi pa kita ang mga imaheng nabubuo...

Photobucket
... at talagang kailangan mong lumayo para makita ng lubos ang mga disenyo...ang GALING!



Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails