Saturday, March 06, 2010

Ako'y isang Pinoy....

Hey, medyo natagalan ang pag-update ko sa blog, pasensiya na po, tao lang, at naging super busy (as in SUPER BUSY!) kasi nitong mga nagdaang araw.


Sa mga huling adventures ko eh, baka sa susunod na mga araw eh, mai-post ko rito (sana!), pero sa kasalukuyan, eto muna….


Nagkaroon ako ng oras na maimbitahan ng isang bagong kaibigan, si G. Bonifacio “Boni” Comandante, Jr., na dumalo at makinig sa kanyang lecture talk sa may National Museum – abah, sa sabi ko sa sarili ko, pagkakataon ko na uling mabisita ang National Museum, kaya go na! Pero sa totoo lang, mas interesado ako sa topic nya: “The Role of the Giant Clams in the Development of Baybayin”.


Nakilala ko pala siya sa tulong pa ng isang kaibigan sa UPLB, kasi madalas mag-lecture si Boni d’un at minsan, napapanood ko siya at pahapyaw nya lang nadi-discuss ang mga nadiskubre nya, kaya medyo naging intersedo ako sa kabuuan ng lecture niya.


Si Boni nga pala ay isang Antropologo (Anthropologist). Isa rin siyang Marine Biologist, kaya mefyo naka-focus din ang pag-aaral nya sa mga giant clams o higanteng taklobo/kabibe. Siya nga rin pala ang nakadiskubre ng “Sleeping fish technology” na ginagamit ngayon sa buong mundo, kung saan binibyahe nila ang mga isda ng TULOG, WALANG TUBIG, at GIGISINGIN na lang nila kapag nakarating na sa paroroonan – oh, ‘di ba, kakaiba!


Pero, sa ibang kwento na lang ‘yun, balik tayo sa taklobo, sa pag-aaral nya sa mga ito, lalo na n’ung sobra-sobrang nakaraang taon (ANCIENT!), nakaugat pala ang mga ito o naging malaki pa pala ang papel ng mga higanteng taklobo/kabibe sa mga sinaunang Filipino. Ito ang naging pangunahing pagkain (staple food – kasama na rin ang pagnganganga) ng mga tao noon, at pinagmulan rin ng mga kagamitan nila sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.


Tapos, isa pa sa naging mahalaga, na-correlate o nadiskubre nya na ang wikang “Baibayin” (NOTE: “Baibayin” o “Baybayin” dapat ang tawag sa sinaunang sulat ng mga katutubo natin at HINDI “alibata” – pinaliwanag nya sa lecture nya kung bakit) ay nagmula mismo sa mga higanteng taklobo/kabibe. Naisip ng mga ninuno natin noon ang pagsulat ng baybayin mula sa pagtingin nila sa iba’t-ibang anggulo ng taklobo/kabibe – ang galing ng mga pruweba niya tungkol dito! Lalo na ‘yung significance o kahalagahan pala ng “Manunggul Jar” sa kasaysayang ng Pilipinas – nakaukit pala dito ang Baibayin – ibig sabihin, ang tagal-tagal na pala ng Baibayin at maaring UNA pa tayo sa ibang popular na sibilisasyon sa BUONG MUNDO! Marami pa siyang na-discuss ukol dito, partikular na kung saan tayo NAUNA, pero dito ko na lang i-focus muna sa Baibayin.


Ngayon, eh ano ngayon?


Anong “silbi” ng kaalamang ito?


May GAGONG nagtanong nito d’un sa lecture, taklesa siya, pero mabuti na lang, ‘yung mga nakikinig (kalimitang mga teacher) pa ang nag-defend para kay Boni para sa mga kasagutan sa tanong.


Sagot o relevance ng Baybayin – well, sarili ko ito:

  • Nakakatuwang isipin na may sistema o kultura o sibilisasyon na tayo noon pa man. Nakakalungkot kasing isipin na sa kasaysayan ng mundo, parati na lang nagsisimula ang kasaysayan natin noong 1521, na “nadiskubre” tayo ni Magellan, bakit, wala ba tayong kasaysayan bago nadiskubre?
  • Malalagay tayo sa kasaysayan ng mundo sa mga naunang sibilisasyon, pero since hawak tayo ng mga ‘kano, siguradong maraming aalma dito na ibang bansa, lalo na ang America – siyempre sila lang daw ang sikat! Mas una pa pala tayo sa mga Griyego (Greeks) o mga taga-ehipto (Egyptians) kapag nagkataon!
  • Kung maisasadamdamin ito (actually, naisasayaw pa nga eh), lalaki na ang pagmamahal natin sa ating kultura at magiging ugat para umunlad tayo, tingnan ang ibang bansa na may pagmamahal sa sariling kultura na umunlad, Japan, China, Korea, Cambodia, Thailand at iba pa – masyado kasi tayong conio o colonial mag-isip eh, parating “imported” ang gusto o kaya eh, “eeewwww, locally made!”.
  • May sarili tayong sistema ng pagsusulat – sabi ng iba mahirap daw, paano sa mga computer, mahirap isulat ang baibayin, magiging low-tech na raw tayo – ang sagot, ungaks! Bakit ang Japan, may sariling sulat sila, nasa computer, sa totoo lang privacy pa nga eh, ‘di kaagad-agad naiintindihan ng kahit sino (lalo na ng mga espiyang amerikano), tayo lang!
  • Kung sa sayaw, ang ginawa nina Boni, itinuro nila ang Baibayin sa pamamagitan ng sayaw at madaling natutunan ng mga bata. Okay sa akin ito – bagay siya sa inner dancing eh!
  • Sa Martial Arts, lalo na sa Filipino Martial Arts, incorporated o nakaugat o nakahalo pala ang Baibayin dito – kapag raw ginawang sayaw o kilos ang mga letra ng Baibayin, makakabuo siya ng sarili o Filipino Martial Arts! Kaya pala mas madaling matutunan ang sarili nating Martial Arts kesa iba – nakakatawa, sa kultura natin, nagpupumilit na ibang MartialAarts ang gawin at pinagtatawanan o mamababa ang pagtingin sa sariling atin, samantalang sa ibang bansa, lalo na sa America, mas gusto nga nila ang Martial Arts natin dahil mas artistic o deadly pa nga raw, haaaay, pinoy nga naman….
  • Sa larangan ng sining o Arts naman, masarap gamitin ang Baibayin – kapag lumilikha ng isang obra, para bang hiyang mong gawin ito, automatic na pumapasok na kaagad siya bilang elemento sa sining.
  • At marami, as in MARAMI pang iba!


Oh, ‘di ba, bonggah! Iba na tuloy ang pagtingin ko sa lahing Filipino ngayon, pati na rin sa kasaysayan natin! HINDI pala BORING ang history, hehehe.


Kaya ngayon, aabangan ko pa kung saan may talk si Boni, enjoy eh!


Tapos, n’ung matapos ang lecture, kumain muna kami, hindi kasi nag-agahan eh, kaya masungit na ‘yung mga kasama ko, naka high-heels pa ‘yung isa kaya lalong mainit ang mga ulo. Hanap kami ng makakainan at ang pinakamalapit na medyo matinong kainan eh sa may SM Manila. Ay’un, ‘kala ko malapit lang kaya NILAKAD namin…well, walking distance naman…kaso, gutom na at naka-high-heels pa ‘yung isa, kaya alam mo na kung anong itsura ng mga pagmumukha nila.


Pagkatapos kumain, balik uli sa National Museum. Doon, inikot uli namin ang mga exhibit – yung iba inokray, hehehe. ‘yung isang kasama ko na naka-high-heels, si Shamps, tinanggal ang sapatos at yapak na inikot ang museum – oh, ha!


Nang mga alas-tres na, may meeting pa ‘yung isang kasama namin, si Jonas. Since malapit lang naman, sa DOT o Department of Tourism, walking distance ulit, isinama na kami.


Oh, sinuot na pala uli ni Shamps ‘yung high-heels nya papuntang DOT, hehehe….


Awarding ceremony pala sa sampung (10) hotel o resort sa buong Pilipinas na nakapasa o nanalo sa ASEAN Green Hotel Award. Tama lang naman sa oras ang pagdating naming at ilang saglit pa eh nagsimula na ang award. And’un si Ace Durano, GWAFOH at FAFABLE pala siya sa personal, hehehe. Pruweba?


Photobucket

At para sa mga nanalo, eto ang listahan:


Siyempre, pica-pica at chica-chica pagkatapos…feeling sosyal!




Bookmark and Share

1 comment:

Gerry Alanguilan said...

Johnny, suggestion lang. Disable mo muna ang Google ads mo kasi kung sino sinong undesirable people ang lumalabas dito.

Related Posts with Thumbnails