Sunday, April 11, 2010

Mag-Net at si Nicky!

Grabeh kahapon ah, sa kalahating araw lang, ang dami kong nagawa!

Sa umaga, check lang ng e-mails at internet na rin, habang nagdo-drawing na balak kong ibigay sa ka-meeting ko later...ibigay sana...

...sana...kaso, 'di ko naman nagustuhan ang nagawa ko...kakaiba, kasi medyo nahihirapan ako at pang-ilang beses na ayaw ko ang kinakalabasan....

N'ung natapos, balak ko na sanang ibigay, pero, nagdesisyon ako na huwag na lang...saka na lang...('buti na lang!).

So, unang meeting, okay naman, saglit lang at madali - mahirap lang magbyahe talaga...maagang natapos kaya may panahon pa para hanapin ko 'yung susunod na meeting.

Sa ikalawang meeting, nahanap ko naman ang lugar, kaso, sobrang aga ko, kaya nagliwaliw na muna ako (read: naghanap ng mga hotel) sa malapit na lugar...tapos n'ung palagay kong okay na, balik na ako sa lugar ng meeting.

And'un na nga sila...halos kasabay ko rin ang ka-meeting ko, actually roundtable discussion kasama si Nicky Perlas... gusto ko lang talagang makinig sa kanya at tsaka iguhit siya. Ayun, impromptu, habang may kausap siyang iba, bago magsimula ang meeting, iginuhit ko siya...kaso ayaw ko pa rin ng naging labas, scrap!

Guhit ulit...nakakita ako ng flyer na may mukha niya, ginaya...ayaw ko ulit, scrap!

Guhit ulit na medyo realistic ang dating...ayaw ko ulit, scrap!

Nagsimula na meeting...ayos, talagang makinig sa kanya..naengganyo tuloy akong iguhit ulit siya habang nakikinig sa kanya, sabi ko sa sarili ko, kung anong kalalabasan, bahala na!

...at 'yung nga, sa inner dancing kong style, kakaiba ang lumabas - nagustuhan ko!

Kaya ay'un, ibinigay ko sa kanya...sabi ko, may ibang ibig sabihin 'yan (in a POSITIVE way!), bihira lang ang naiguguhit ko na lumalabas sa ganyang estilo.

Sabi niya, itago nya raw...siyempre, na ikinasaya ko naman!

Sayang nga lang at wala akong scan o picture ng naiguhit ko, well, okay lang 'yun....

Tapos, papunta na sa ikatlong meeting, actually, event naman...nakausap ko na sa unang meeting pa lang 'yung may event, si Andrew Villar na gumawa ng Ambush, kaso sa pagbyahe ko, medyo sumama ang t'yan ko...balak ko na sanang huwag pumunta, kasi mahirap na...kaso naiwan na ako ng ibang kasamahan ko sa bahay, so, no choice akong pumunta...kaya ay'un...nasa byahe ako pero iba ang nasa isip ko...pinagpapawisan ng malamig...butlig ang pawis...ang sarap ngang ihirit sa mga kasamahan ko na, "kita nyo 'tong pawis na 'to? Hindi dahil sa pagod 'yan...".

Nakarating din naman at mabuti na lang!

Sa Mag-Net Cafe ang venue at may Yakult na handa kaya medyo na-okay ang t'yan ko (OK ka ba tyan?)...pero higit sa lahat, eto ang mahalaga sa nakita ko...

Photobucket
Si Cooky Chua! Syet, ang ganda nya talaga!

Kaso, huli na akong dumating kaya nakakanta na siya, nilapitan ko at nagpapirma at sinabi ko sa kanya kung anong paborito kong kinanta nya: "Paano mahalin ang isang tulad mo?"

Sabi ko, National Anthem namin 'yun! Sabi nya, National Anthem ng mga sawi! Hahahaha!

Eto pa mga kasama ko at mga bagong nakilala...

Photobucket
L to R: Neil, Jonas, (nakalimutan ko name nya, sorry dude), Kristoffer Franco (Quipino), Greco Milambiling (Aha, Hule), at ako.

Kaya ayun, enjoy talaga! maski naghirap, okay lang...

SALAMAT at CONGRATULATIONS uli kay ANDREW VILLAR, MABUHAY KA!

Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails