Wednesday, May 12, 2010

...at natupad rin!

Naging kakaiba ang naging karanasan o mga pinaggagawa ko nitong mga nagdaang araw, at kabilang na rito ang matagal ko ng inaasam-asam na gawin...ang aking simpleng pangarap - ang maging EXTRA sa isang pelikula!

Gan'un pala 'yun!

'yan ang katagang namutawi sa aming mga bibig ng matapos ang shooting. Kakaiba talaga. Kalimitan kasi, sa mga simpleng produksyon lang ang ginagawa namin, ngayon, medyo may basbas ng pormal, documentaries na pelikula na indie film ang dating!

Maaga kaming pumunta sa lugar, kasama ko nga pala si Jonas, Gerry at Neil, at 'buti malapit lang sa amin ang shooting site, sa San Pablo City din lang - sa bahay ni James Cooper. Maaga kaming pumunta kasi excited na excited kami. Excited na makakita ng kung ano-anong ginagamit sa isang professional na shooting...baka may sikat na artista...itsura ng set...at sino ang direktor!

Nakuha namin ang gig na ito sa tulong o pakiusap ng isa naming kaibigan na si Laya, tatay nya pala 'yung direktor, si Tito Lem Garcellano. Grabeh, galing, saludo talaga ako sa 'yo Tito Lems!

Grabeh, halos 24 oras kaming gising...antay ng antay sa oras ng pagshu-shoot...dapat kasi naroon ka sa loob ng set o compound para anumang oras na kailanganin ka ng direktor, and'un ka kaagad! Akala namin, simple lang ang pagsho-shoot, na pagkatapos ng isa o dalawa, okay na...hindi pala.

Marekotitos ang direktor, maraming shoot ang ginagawa sa isang scene pa lang. Kaya matagal, pero okay lang...marami kamng natutunan at higt sa lahat nakilalang bagong mga kaibigan.

So, habang naghihintay, kunga no-ano ang mga ginagawa namin...tambay, ikot sa lugar, kuwentuhan, makiaalam sa mga gamit, at kung ano-ano pa!

Photobucket

Kami ni Gerry, habang naghihintay ng oras, nagsasaulo naman siya ng mga linya nya! Bosing nga pala siya ng isang bar...bagay na bagay!

Photobucket

Ngayon lang ako nakakita na malapitan ng tunay na clapper!

Photobucket

Nagpapalipas ng oras sa set...bonggah, parang dalagang Pilipina!

Photobucket

Kalandian si Neil!

Photobucket

At siyempre, Magnum look kasama si Neil at Jo-Anne!

Oh, working title pala ng pelikula ay Tin-tin, 15 at gumanap akong isang STRAIGHT GUY na customer sa isang beerhouse (minamanyak o harass ang mga babae d'un!)...ack, naging LESBIANA akoh!

At marami pang mga picture dito.

P.S.

May nagawang video pala si Fafah Gerry...kwela ito!




Bookmark and Share

3 comments:

Tobie said...

Yo Johnny! Nice post! Natawa ako lalo na yung header ng blog mo, pag thumbnail, hawig si Manny P! HAhhahah!

Raipo said...

weh, extra lang daw...major kaya role mo!Star!

johnny yambao danganan said...

@Tobie: Salamat Tobie!:D

@Raipo: Extra lang pow talagah....:D

Related Posts with Thumbnails