Wednesday, May 19, 2010

Here comes the bride...

Here Comes the Bride nga!

Isa na namang kwelang pelikula na kasama si Ms. Eugene Domingo!

Kwela talaga, as in!

Ang kagandahan pa ng pelikulang ito, okay sa olrayt sa mga artistang gumanap. Talaga namang nag-complement at nagpatalbugan ang lahat - 'di pumayag na mapag-iwanan sa pag-arte!

Simple lang ang storya, pero, sa buong daloy ng pelikula eh nakangiti ako. Syempre, special pa rin talaga si Ms. Eugene Domingo, pero gaya ng amga nabanggit ko, OKAY ang ibang mga artista, tulad nina:

  • Tuesday Vargas - kwela at may utak pala siya ha;
  • Jaime Fabregas - well, given na 'yan na talagang magaling siya;
  • John "Sweet" Lapus - well, kwela ang kabaklaan nya rito, hindi naman nakakainis; at
  • Angelica Panganiban - ayos talaga siya ha, at grabeh ang ganda nya...noon ko pa naman siyang nagustuhan sa pelikulang "Santa Santita"!

So, okay panoorin, makakasiguro ka na sulit ang bayad!

Photobucket

Bookmark and Share

1 comment:

Raipo said...

"apir apir apir, di na uso yan, wisik wisik na lang..."

Related Posts with Thumbnails