Friday, May 14, 2010

OUR LADY OF THE ABANDONED: The First Marian Fluvial Procesion

Iniimbitahan ko kayong lahat, kung sino mang makakabasa nito na interesado.

Kahapon kasi naimbitahan kami ng DOT sa isang press conference ng isang nalalapit nilang activity kasama ang ibang mga parokya at ito nga 'yun.

Naligaw pa ako papunta d'un, ang engot ko kasi, pero okay lang, pagdating ko naman hindi pa nagsisimula, nagkaroon pa ako ng panahon para makapagpahinga at sosyalan sa iba.

Chicka at kwentuhan ng nakaraan eleksyon - 'yun ang IN na topic eh!

Tapos, nagsimula na ang programa.

Sa simula pa lang, o pagpapakilanlan sa mga nagsidalo, ay okay naman ang nangyari - ang sarap namang pakinggan ang sinabi ng DOT o ang pagtingin nila sa mga blogger. Sana huwag masira o mabahiran ang respeto o pagtingin/relasyon na ito.

Naging maganda naman ang daloy ng diskusyon o presscon para sa nalalapit na activity. Nagpakilala ang mga kinatawan ng mga parokya galing sa Mandaluyong, Marikina at Sta. Ana, at nagbigay sila ng kaunting kwento ukol sa mga patron nila.

Sa Mandaluyong, basically, simple o payak na inilarawan nila ang kanilang Birhen.

Photobucket
Ang Mahal na Ina ng mga Inabandona ng Mandaluyong

Sa Marikina naman, binigyan nya ng tuon ang kwento sa likod ng Azucena na hawak ng Birhen nila (ginagamit na pamalo raw ng Mahal na Birhen sa mga taong hindi tumutulong sa mga abandonado.)

Photobucket
Ang Mahal na Ina ng mga Inabandona ng Marikina.

Sa Sta. Ana naman, medyo bongacious ang patron nila, magta-tatlong daan (300 years) na ang imahen nila at ang kakaiba rito ay siya lang ang imahe na may Camarin o parang dressing room, at gawa pa ito sa mga labi ng Galleon na nagdala nito sa Pilipinas.

Photobucket
Ang Mahal na Ina ng mga Inabandona ng Sta. Ana...

Photobucket
...at ang Camarin.

Nang matapos ang pag-uulat o pagsasalita ng mga bisita, binigyang diin din ang magiging daloy ng programa para sa nalalapit na piging o fiesta...sa Mayo 15 nga pala nila gagawin ito.

Sa diskusyon, hindi maiiwasan ang pag-uusap sa kasaysayan ng Pilipinas na nakakabit sa pagiging relihiyoso nating mga Filipino. Aliw naman, hindi nakakaantok ('di tulad ng diskusyon ng kasaysaya sa eskwelahan na talaga namang nakakantok).

Ang kagandahan pala sa fiestang ito ay ang balak nilang Fluvial Procession o ang pagparada ng mga santo sa Ilog Pasig - na naging maganda rin ang diskusyon dito. Muling binubuhay ang Ilog Pasig sa pagtutulungan ng iba't-ibang sektor ng lipunan, at ayon sa bisitang kasama mula saPasig River Ferry Service, maganda na raw ang hinaharap ng Ilog Pasig sa mga susunod na taon at magiging sentro na uli ng komersiyo ito tulad ng dati.

Nabanggit sa diskusyon ang pagre-rehabilitate ng Ilog Pasig, ang patuloy na dredging na ginagawa rito at pag-alis ng mga basura dito. Okay inaalis, pero saan tinatapon uli? 'yan ang tanong ko at ng iba pa...pero naitanong ko naman sa engineer d'un ng personal at ito ang naging sagot.
Italic
Itinatapon raw ang mga nakukuhang dumi o basura (toxic man o hindi) sa isang ginawang malaking container unit sa isang parte sa Manila Bay. Selyado at nakalubog sa tubig. Kapareho daw ito bg teknolohiya na ginagamit sa USA, kung saan ang Hudson Bay sa New York ay dine-dredge din at itinatapon naman ang mg anakukuha sa isang container unit na nasa may Liberty Island.

Okay. parang hindi ako nakumbinsi ah.

Anyways, balik tayo sa prusisyon...sana maging matagumpay ang activity nila, at masundan pa ang ganitong klaseng activity na nakaugat sa kultura natin.



Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails