Kailangan kong mai-post ito ditoh!
Para mabigyan ng hustisya ang pelikulang itoh, WORKING GIRLS 2010!
Nagtataka lang kasi ako, halos lahat ng kaibigan ko, sinasabihan ko na maganda ang pelikulang ito at dapat panoorin nila dahil kwela, aliw talaga!
Lalo na kung fan ka ni Ms. EUGENE DOMINGO, ahay! (Nakilala ko siya sa pelikulang "Tanging Ina", sidekick siya ni Ms. Ai-Ai Delas Alas dito, at tumatak na talaga siya sa akin d'un - galing kasi eh! Sa isip ko nga siya ang perfect na Didi ng Zsazsa Zaturnnah eh, kaso nga lang tunay siyang babae - pero adaptation naman sa movie eh, so, pwedeng baguhin ang kaunting elements, para lang mag-fit siya, charing!)
Balik tayo sa pag-anyaya...kaso nga naman, kapag yayain na ng mga kaibigan ko ang mga kasama o date nila para manood nito, iisa ang mga sagot - AYAW!
Gan'un?
Masyadong nalason ng ng Holywood ang utak nila at ayaw ng bigyan ng pagkakataong panoorin ang gawang pinoy. Well, 'di mo rin nga naman masisisi, kasi kalimitan nga naman sa mga gawa natin na pelikula eh, wa class, masyado ng lasak o alam mo na ang mga mangyayari o daloy ng kwento, at kalimitan, rip-off o gaya-gaya lang sa gawa ng iba.
Pero, kakaiba ito!
Nagsawa o nadismaya rin kasi akong manood ng ibang pelikula ng Holywood, lalo na nitong mga nagdaan araw...ang gaganda sa trailer, pagdating sa pelikula mismo, walang kwenta! Kaya, sabi ko sa sarili ko, ng makita ko ang trailer, masubukan nga itong WORKING GIRLS 2010, tutal, kapangalan din naman ng naunang pelikula na napanood ko pa n'ung bata ako at nagsiyahan ako, baka kako okay nga!
At OKAY nga!
As in...kung ayaw mo sa ibang artista na kasama dito, okay lang, tiisin mo na lang, dahil ang aabangan mo ay ang bawat eksena ni Ms. Eugene Domingo!
Sa totoo lang, na-save ni Ms. Eugene Domingo ang BUONG pelikulah! Kalokah! As in talagah!
I LOVE YOU Ms. EUGENE DOMINGO, sana ma-meet kita in person!
Thursday, May 13, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
haha onga mas pinanuod pa namin ni Dex yung Iron man 2 kesa dito...
Iron Man 2 is DISAPPOINTING!:(
Post a Comment