Tuesday, January 18, 2011

THE COURAGEOUS PRINCESS

Grabeh, pinahanga na naman ako ni ROD ESPINOSA ang may katha (sulat at guhit) ng komiks na COURAGEOUS PRINCESS, ang galing! Sobra talagang galing!

Photobucket


Tama nga ‘yung sabi ng kaibigan ko (Andrew Villar), dito nga si Rod nagsimula, medyo kasi bitin pa, pero okay lang din naman…tapos kung babasahin mo ‘yung kasunod na ginawa nya sa komiks na NEOTOPIA, grabeh naman ang pagkabaliw o development nya d’un. LAHAT ng kakulangan sa COURAGEOUS PRINCESS, ibinuhos nya naman sa NEOTOPIA.

Ang COURAGEOUS PRINCESS ay kwento ng pakikipagsapalaran ng isang hindi masyadong maganda ngunit ubod ng bait na prinsesa (Mabelrose) sa pagtakas sa pagkakadukot sa kanya ng isang higanteng dragon (Shalathrumnostrium). At dahil hindi nga sa hindi siya masyadong maganda, wala raw “prince charming” na magliligtas sa kanya sa kamay ng higanteng dragon, kaya tumakas siya. Marami siyang nakilalang mga kaibigan sa kanyang pakikibaka at medyo kakaiba kung ano ang naging daloy at kung paano tinapos ang kwento – hindi ito tulad ng ibang kwento na alam mo na kung ano ang kalalabasan o mangyayari. Napakayaman sa ideya ng mga tauhan, lugar o setting ng kwento.

Grabeh, ang galing talaga!

Kaya tuloy ngayon, naghahanap pa uli ako ng mga nagawa ni Rod Espinosa!:D

Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails