Wednesday, April 13, 2011

Sabi nila...

Sa wakas, napakinggan ko rin!

Dati ko pang nalaman ang kantang ito at na-meet ko pa mismo 'yung lumikha si Danny Fabella, gabeh, ang gandah ng kanta!




Sabi nila...
Musika ng Bayan

Sabi nila’y ‘di tayo para sa isa’t-isa
Dahil pareho lang tayong dalawa
Walang patutunguhan mula sa umpisa
Ang pagasasama daw na ‘di tugma

Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
Patunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang matuwid
Na ang puso’t damdamin’y manhid

‘pagkat tayong dalawa’y nagmamahalang lubos
Hangarin sa isa’t-isa’y tapat
Ipaglalaban natin panlalait, bibiguin
Mapanghusgang mundo’y babaguhin

Sabi nila’y ‘di tayong magiging masaya
Sa isang pagtitinginang ‘di tama
‘di raw kaayaya sa mata ng may likha
Kasalanan daw ating ginagawa

Ito ang tinuran ng nagkukunwang marangal
Na siyang yumuyurak sa ating dangal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang malinis
Na puno ng dumi ang isip

‘pagkat tayong dalawa’y nagmamahalang lubos
Hangarin sa isa’t-isa’y tapat
Ipaglalaban natin panlalait, bibiguin
Mapanghusgang mundo’y babaguhin

‘pagkat tayong dalawa’y nagmamahalang lubos
Hangarin sa isa’t-isa’y tapat
Ipaglalaban natin panlalait, bibiguin
Mapanghusgang mundo’y babaguhin

Mapanghusgang mundo’y babaguhin

Bookmark and Share


No comments:

Related Posts with Thumbnails