Monday, April 18, 2011

SUMMER KOMIKON 2011!!!!!

Wohooh, BEST KOMIKON EVAH!

Bagong lugar at bagong gimik!

Wahah, teka, simula tayo sa simula….

Una, simple lang ang pagsali sa KOMIKON: mag-enjoy, suportahan ang mga kaibigan, gumawa ng komiks, makilala ang mga ibang artists at gumawa ng mga bagong kaibigan. Parati naman ito ang ginagawa namin eh, kaya enjoy palagi. Nagiging busy sa paghahanda, lalo na sa pagtapos ng komiks na ilalabas, ngarag ever!

Eto nga pala ‘yung ad ng komiks namin…

Photobucket


Excited na nga lahat, tapos, may nabasa akong message na humihingi ng tulong para sa mga batang mag-aaral sa Mindanao, simple lang ang hiling nila, LAPIS at PAPEL. Medyo tinamaan ako, kaya bilang pagsuporta, nangalap na rin ako ng lapis at papel, at nanghingi sa mga kaibigan. D’un na nagsimula ang mga grabeng pangyayari.

Hindi ako makapaniwala sa mga tulong na ibinibigay. Marami na kaagad ang nagbigay ng mga lapis at papel, tapos ‘yung iba, pledges at iba pa. Si HARVEY TOLIBAO at HEUBERT MICHAEL KHAN, nagbigay ng oras nila…nagawa sila ng DRAW FOR A CAUSE, at lahat ng mga nag-donate sa mga sketch na ginawa nila, ibinigay nila para sa mga bata, WAHAW!

Eto nga pala ‘yung special poster na ginawa nila para dito…

Photobucket

…ispisyal talaga!

Tapos, isa pa, si EDGAR TADEO, nag-donate ng 2 artworks nya para ipa-auction sa KOMIKON. GRABEH na TALAGA!

Tapos n’ung KOMIKON na, grabeh na nga, ANG SAYA! Ang ganda ng lugar, malinis at malamig, maraming komiks at maraming tao!

Naging SUPER ABALA na, ‘buti maaga kaming exhibitors, at nakapaglibot at nakapamili na agad, n’ung pumasok ang mga tao, wala, grabeh na.

ANG DAMING TALAGANG TAO!

At siyempre pa, mga kaibigan, and’un rin…

Photobucket

DA GREAT MANIX ABRERA, si Chez ng Sputnik at Komikero pal Rod…

…at siyempre, ang mga kaibigan…

Photobucket

…si Fafah Gerry at Jonas, ang nakakatawa, ang bati sa akin ng mga tao, kung bati-bati na raw kami ant kung naisauli ko na ‘yung mga komiks ni Gerry, wahahaha, ang kukulit!

Tapos, sila Harvey at Heubert naman, na DINUMOG TALAGA ng mga tao!

Photobucket

…grabeh ang tao!

Tapos, auction naman ng ART ni EDGAR TADEO…

Photobucket

…eto ‘yung unang nanalo sa auction at naibenta namin ng P3,000.00…

Photobucket

…at pangalawa naman, sa halagang P2,600.00

Sa totoo lang, mangiyak-ngiyak na ako sa stage sa sobrang touched at tuwa…

At ng medyo nahawi na ang mga tao kila HARVEY at HEUBERT, eto na…

Photobucket

…kasama pa si GAB ng PAROKYA NI EDGAR!

Photobucket

…at ito pa…para raw kaming mga politikong nagpo-photo ops, heheheh…

FYI lang po, bale, nakapangalap kami ng mga lapis, papel at iba pang school supplies at halagang P10,775.00

GRABEH TALAGA, MEGA-THANK YOU PO SA LAHAT! Maraming batang mag-aaral sa Mindanao ang magiging masaya ngayong pasukan.


P.S.

TAOS-PUSONG PASASALAMAT po sa mga sumusunod (sana wala akong nakalimutan) …

MANIX ABRERA

GERRY ALANGUILAN

NEIL AMIEL CERVANTES

ROMMEL CUSTODIO

JONAS DIEGO

ILYN FLORESE-ALANGUILAN

MICHAEL GUISINGA

HEUBERT MICHAEL KHAN

KOMIKERO Artists Group

KOMIKON Organizers

ZARAH MACANDILI

APRIL ANN RICAFORT

ROBIN RIVERO

EDGAR TADEO

HARVEY TOLIBAO

JASON TORRES

Bookmark and Share

1 comment:

Shampoo said...

Salamat din Mommy! Paganda ng paganda ang anthology... next Komikon sasama na daw nanay ko

Related Posts with Thumbnails