Monday, October 07, 2013

Ramfah sa Mindanao!

Sa wakas, sinipag akong magsulat ngayon dito sa blog ko.  Pangako, sisipagan ko na talaga ang magsulat, medyo ginaganahan na ulit eh.  Huwag lang mahu-hook ulit ng Facebook!

Nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na makapunta sa Mindanao (medyo napapadalas ngayong taon actually, well, sana nga parati, huwag lang ngayong taon)...at siyempre, kapag ako nakapunta ng Mindanao, kahit malayo, kailangan kong rumamfah ng Davao, ang paborito kong lungsod sa Pilipinas!


Pero, bago ako maglakwatsa ng Davao, trabaho muna…at ang destinasyon ko naman ngayon eh HINATUAN at MARIHATAG ng Surigao del Sur.  Grabeh, malayo pala ang byahe galing Davao.  Lima  o anim (5 o 6) na oras ang byahe, pero okay lang, nakakapagod pero enjoy naman, maganda ang mga daan pati na rin mga tanawin.  Magaganda talaga ang daan dito sa Mindanao at ang kabutihan pa n'un, walang bayad o toll fee!

 photo Mindanao_regions.png
Mapa muna tayo ng Mindanao.  Sa dilaw na bahagi ako medyo naligaw, at grabeh, malayong byahe pala siya!

 photo surigao.jpg
At ayun ang HINATUAN at MARIHATAG! Talaga pa lang nasa gilid sila ng Mindanao! At nakaharap mismo sa Pacific Ocean!

Sa Hinatuan Surigao del Sur muna kami pumunta, at bago magsimula ang aming trabaho, habang naghihintay, naggala-gala muna ako at marami akong magandang nakita!  

Eto...

 photo pagasa-1.jpg
May doppler radar pala ang PAGASA d’un, isang malaking tore na kumukuha ng taya ng panahon, na mukhang isang malaking….

 photo hinatuan-1.jpg
Terminal papuntang HInatuan, kada 30 minuto ay may dumadaan na mga sasakyan, tulad ng bus, Starrex Van (sosyal, pampasahero lang nila ‘yun!), tricycle, at habal-habal!  Nasa tabi mismo 'to ng dagat.  

 photo hinatuan2-1.jpg
Eto terminal nila, mas malapitan na kuha.

Interesado ako sa habal-habal, iba't-ibang lugar kasi, kakaiba!  Eto 'yung medyo madalas na makikita...  

 photo habal-1.jpg
Kitams!

Pero, sa Hinatuan,, iba ang nakita ko! Sanay akong makakita ng habal-habal, kaso kakaiba ‘yung version na nakita ko dito…may bubong!

 photo habal2-2.jpg
Eto, may nakita kong nakatigil sa terminal.  Heheheh, may bubong!  Para nga naman ‘di mabasa ang mga pasahero.  At ‘yung iba, may seatbelt pa raw! Saan ka na!

Gusto ko sanang sumakay, kaso wala akong oras at takot ako, heheheh...kaya kinausap ko ang isang drayber at tinanong ko na lang kung paano pumunta sa Hinatuan Enchanted River.  Sikat na sikat na puntahan kasi ‘yun sa lugar na ‘yun.  Malapit na lang daw ‘yun, kaso wala pa akong panahon makapunta d’un.  Sa susunod na lang, at least ngayon alam ko na kung paano pumunta d’un.

Tapos, sa paglalakad ko, may nakita akong grupo ng mga tao na abalang-abala, na-curious ako, kaya’t pinuntahan ko.

 photo fishing-1.jpg
Abalang-abala sila sa kung ano man ang ginagawa nila.  Ano kaya 'yun?

 photo fishing2-1.jpg
Mga taong namimingwit ng isda na gamit lang ang sima at tanse.  Walang fishing rod, simple lang pero ayos!

 photo fishing3-1.jpg
At marami sila, ma-matanda, ma-bata! Kada umaga, ganito ang makikita mo dito.  

 photo fishing4-1.jpg
Meron na ngang hinuhugasan ang kanyang mga nahuli...may ulam na si manong!


 photo fishing5-1.jpg
At eto, may malaking nahuli!

 photo fishing6-1.jpg
Sa tabihan lang ‘yan, pero kaya nilang makahuli ng malaki at mamahaling isda!

At sa paligid ay makikita ang maraming mga bangka.  Naisip ko tuloy, sa tabi pa lang, mamahaling isda na ang nahuhuli nila, ano pa kaya kung sa dagat mismo?

 photo boats.jpg
Eto 'yung mga bangka nila.

Nag-enjoy ako ng husto sa paglilibot, pero naalala ko na kailangan ko ng bumalik sa lugar namin para sa activity, kaya dali-dali akong bumalik. 

Okay naman ang naging takbo ng activity namin at napahanga ako sa local choir nila.  Ang mga miyembro ay empleyado rin ng gobyerno.  Kumanta sila ng panalangin, pambansang awit at awit ng bayan nila (Hinatuan hymn).  ‘di nga ako nakapagpigil at tinanong ko ‘yung organizer kung pwedeng pumalakpak pagkatapos ng awit nila, napangiti siya, heheheh….

 photo choir-1.jpg
Okay sa olrayt!  May bonus pa na kanta ni Jason Mraz! Updated ah!  Sorry, nakalimutan ko name nila...pero sa LGU ng Hinatuan naman sila eh, madaling malaman.

At nang matapos ang activity, byahe naman papuntang MARIHATAG, Surigao del Sur.  Pero, bago kami pumunta d'un, nagpalipas muna kami ng isang gabi sa isang resort malapit d’un…KANISULAD resort (sorry ‘di ako sigurado sa pangalan).  Gabi na kami ng makarating sa resort.  Madilim na kaya ‘di na makita ang dagat, pagkatapos kumain ng hapunan, nagpahinga na kami kaagad. 

Okay naman sana ‘yung resort, malawak ang mga kwarto, kaso hindi maganda ang serbisyo.  Kape lang ‘di pa kayang i-serve ng mga tauhan.

Kinaumagahan, ramfah galore!

 photo resort-1.jpg
Maganda ‘yung bakawan nila…mga bakawan sa ibabaw ng purong batong bundok mismo!  Unas o kati (low tide) n’ung umaga, kaya nagawa ko pang makalakad sa ilalim ng bakawan.

 photo resort2-1.jpg
At eto ‘yung mga cottage nila…maganda at sobrang barato hah!

 photo resort3-1.jpg
Happy!


 photo resort4-1.jpg
At may tore pa!

 photo resort5-2.jpg
Feeling may-ari!

 photo resort6.jpg
Ramfah pah!

Pagkakain ng agahan, alis na papuntang MARIHATAG naman.  Isang oras din na byahe.  Maaga kaming nakarating at bago magsimula ang aming activity, takas muna papuntang dagat. 

 photo beach-1.jpg
Grabeh, nasa dalampasigan kami, pero ang kita at ramdam naming ang lakas ng alon, nakakatakot!

Tapos, balik na kaagad ulit, pero sa pagbalik, nakakita ulit ako ng habal-habal at nakapagpa-picture na rin ako sa wakas!

 photo habal3.jpg
Sa wakas!

Tapos, n’ung pahinga n’ung tanghalian, nakatakas ulit ako para makapaglibot-libot ulit...at marami nga akong mga interesanteng nakita!

 photo terminal.jpg
Eto ‘yung terminal nila.

 photo terminal2-1.jpg
Maraming habal-habal sa terminal nila!

 photo terminal3.jpg
Habal-habal in action!  Nakakatuwa talagang panoorin!

 photo hardworker.jpg
Isa pang klase ng habal-habal na karaniwang ginagamit sa pangkalakal o negosyo, grabeh talagang dumiskarte ang Pinoy!

Tapos, may nakita ako na akala ko suman.  Well, para kasi siyang suman, pero gamot o tambal daw nila, lalo na sa masasakit ang tiyan.  “Pili” ang tawag nila.  Gawa sa katas o dakta ng pili, ‘yung wax!  Kuha ng kapiraso, tunawin sa mainit na tubig at inumin.  Uutot ng uutot daw ang mangyayari para mawala ang sakit ng tiyan!

 photo pili.jpg
Pampautot!

Hapon na rin kami natapos sa activity namin, at saka lumarga.  Sa paglarga, nadaanan naming ang isang rest area na ang ganda ng tanawin – mga bakawan!

 photo lookout-1.jpg 
Graveh, ang ganda ng view!

Gabi na kami nakarating sa hotel, sa SanFran naman kami natulog, at the usual, kain lang at tulog ulit.

Kinabukasan, byahe na papuntang Davao City, at siyempre excited talaga.  At pagdating nga ng Davao, ramfah! 

Kinagabihan, sa MTS naman ako rumamfah.  Tuwang-tuwa ako, kasi nataymingan ko na P.L.O. o Popong Landero Organization ang tumutugtog.  Paborito ko sila at napakagaling talaga!  Napakaswerte ko pa at tinugtog nila ang mga paborito kong kanta nila, walang kupas!

 photo plo-1.jpg
P.L.O.

Haaay, at n’ung natapos, balik hotel....tulog!

Kinaumagahan, airport na…masaya na malungkot.  Masaya kasi nakabalik ulit ng Mindanao, malungkot kasi mami-miss ko na naman.
  
Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails