Wednesday, September 22, 2004

pahabol!

hehehe...pahabol, naalala ko lang... bagong definition ng salitang "assuming"..."making an ASS out of U and ME"...hehehe...thanks flo!

nakakapagod...

nakakapagod nga...

...nung mga nakaraang araw, sobrang pagkaabala ang naranasan ko...nagsabi nga ako ng pagbibitiw, 'di naman pinayagan...

...naghanda pa ko para sa training, tapos kaunti lang dumalo, buti na lang 'di pa natuloy nung ikalawang araw, at least nagkaroon ako ng oras para makapagpahinga...haaaay...

...lunes, madaling araw akong lumuwas para makapag-report sa office sa mandaluyong ng maaga, natapos kami ng alas-tres ng hapon para bumaba (o umakyat?) ng tagaytay...dun ako nakulong ng 2 araw at 2 gabi sa trabaho, well at least tagaytay highlands 'yun, okay lang ang dating, pero kahit na...maganda nga yung accommodations, kaso 'di naman ako nakatulog..."namamahay" ang katawan ko, 'di makatulog 'pag hindi sa sariling kama nakahiga...'yun nga lang, masarap talagang maligo d'un sa unit na 'yun, kontrolado mo timpla ng init ng tubig pampaligo, gold-plated pa gripo! ('ala sa bundok namin nun eh! hehehe)

...kanina, madaling araw kami umalis ng tagaytay para pumunta sa novaliches, panibagong project...pagkatapos sa antipolo naman...du'n ako nagtagal, ang haba na naman ng meeting..pero okay yung pagkain...mabait at maganda pa ang may-ari nung restaurant...pareng rene, MILF siya!

...umalis ako rung ng alas-tres ng hapon (uli) papunta naman sa office namin sa mandaluyong, konting pagta-type sa computer, kaso sira naman telepono kaya 'di makapag-send ng e-mail...uhnnn, punta pa ako ng crossing para lang mag-send ng e-mail, tapat ng shangri-la...at ngayon eto ako...konti na lang, makakauwi na ako at makakapiling ko na uli ang higaan ko...at makapakinig ng music...sabik na ako sa music na gusto ko..parati na lang kantang "kikay" ang naririnig ko sa mga radyo ng nasasakyan ko!!!

...pero, konting gala muna, narito na rin lang ako, lubos-lubusin ko na...bukas at biyernes, sa farm na naman, well, bibisita lang naman at may bagong supervisor na d'un...sa sabado, luwas na naman dito sa mandaluyong, siguradong gabi na naman ako makakauwi sa amin...waaaaahhhh, ano itong napasukan ko! 'di ako makalabas!!

Wednesday, September 15, 2004

grabeng sitwasyon...

...ito lang ang masasabi ko sa buhay ko ngayon...grabeh!!!

...napapasok ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung paano ako makakalabas...ilang araw at gabi rin akong binagabag ng aking damdamain at pag-iisip...dram noh? pero ayun talaga ang nangyari...

...tumakas ako ng saglit sa aking trabaho para mag-aliw at kausapin ang aking mga kaibigan at ikuwento ang sitwasyon ko sa buhay at IISA ang sinabi nila..MAG-RESIGN KA NA!!

...grabe nga kasi ang trabaho ko...naiipit ako...at kahapon..nagkaroon ako ng pagkakataong sabihan ang aking 2 boss na gusto ko ng umalis sa trabaho...grabeh..parang sinisilihan ang aking wetpu! (2 ang boss ko, isang pinoy, at isang swiss...ang nakakatuwa, mas makatao pa o pinoy pa ang ugali nung swiss kong boss kesa dun sa isa...yung isa..well..ASSHOLE siya!)

...kahapon, nasabi ko ang nasasaloob ko, pero dun sa isang boss lang, yung swiss, alam nya kasing may problema ako dun sa isa kaya pinili nya na kami na lang ang mag-usap...okay naman, naibulalas ko lahat ang nasa isip at damdamin ko at gulat na gulat siya sa kanyang mga nalaman...well, sabi ko kasi, isa lang ang masasabi ko dun sa pinoy kong boss: WALA akong masasabing MABUTI tungkol sa kanya...

...nagkasundo na lang kami ng boss kong swiss at titingnan namin kung magkakaayos ito, ayaw nya kong pakawalan eh...kung hindi talaga magkakayos, aalis na TALAGA ako sa kompanya...at least alam na nya ngayon na may balak akong umalis...naging maayos naman siyang kausap...ang problema, yung isa na naman, well, bahala na siyang magsabi dun...

...grabeh, ngayon lang ako nakatagpo ng ganung klaseng tao at ngayon din lang ako nakaramdam ng sobrang hidwa o galit sa isang tao...isinusumpa ko talaga siya!



Sunday, September 05, 2004

nilalagnat akoh....

...syet papa syet! tinamaan ako ng lagnat...hindi puwede...ang dami pang deadline!

...kailangan kong pumunta ng tagaytay bukas...gagawa ng monthly report, lagot na nga ako sa boss ko...ang gulo pang kausap ng management....

...pagkatapos, sa farm...'di daw pinasweldo yung mga workers namin...ang resident boss ko talaga, magulo ring kausap...aayusin ko pa yung farm kasi may darating kaming bisita sa huwebes, tapos may darating pang mga bagong apprentices galing novaliches....

....sa tuesday, kailangan ko pang pumunta ng antipolo...may isang project dun...kailangan ding mag-deliver ng mga gulay sa Vieux Chalet (free plugging ha!), isang organic swiss restaurant...

...wednesday, have to report sa farm para ayusin at magbigay ng lecture sa mga bagong apprentices....meeting pa namin sa farm...

...thursday, may bisita sa farm , darating pa yung isa kong boss, may kasama pang bisita...tapos ng tour nung bisita, didiretso pa sa tagaytay...

...friday...uhmm, farm? wala ba kong karapatang magpahinga?

...saturday, mandaluyong? depende sa boss ko...o sa isang farm pa sa tanauan - siyet kulang pa ako ng documents dun!

...grabeh! lahat ng ito gagawin ko...at take note...nilalagnat pa ako ngayon habang tinatype ito...kasi may tatapusin pa ring akong report na deadline kahapon....

...gusto ko ng matulog....;(

Saturday, September 04, 2004

...panimula

...unang hirit, wala lang...naiinggit kasi ako sa mga kaibigan ko, lahat sila may mga blogs...ako, dati meron, kaso sobrang abala sa trabaho kaya 'di ma-update..ngayon, i-try uli.

...may maganda bang nangyari ngayon? habang sinusulat ko 'to, wala pa naman...nasa manila ako ngayon dito sa office namin sa mandaluyong...galing kasi ako sa market market sa fort, nagbagsak ng mga gulay galing sa farm...haaay, delivery boy din ako...mamaya, gagawa ng report, kaso tinanatamad pa...kailangan ko pang pumunta ng starmall para magpa-blue print...wala bang malapit man lang?

...sige, yun na muna...punta na ko para magpa-blue print, kain na rin...
Related Posts with Thumbnails