Friday, June 27, 2008

Napapanahon ito...

Nakuha ko ito galing sa kaibigan at dati kong bosing na si Ms. Neth Daño ng Third World Network (TWN), i-share ko lang sa inyo...

Pesticide Found Inside Ferry; Search Stopped

As per radio reports on DZRH just now, the ill-fated M/V Princess of theStars was carrying a container-full of Endosulfan (manufacturer: BayerCropScience) - a neurotoxic organochlorine insecticide, one of the "DirtyDozen" banned for some years now in many countries, including ours. If youwill recall, Endosulfan was banned in the Philippines in 1994.

If the pesticide cargo is owned by Del Monte, then it will not be used in Cebu, but most likely in Bukidnon/Northern Mindanao where their thousands of hectares of pineapple plantations are located. The M/V Princess of the Stars disaster has now exposed that a "reputable corporation" like Del Monte is using tons of a banned pesticides (if radio report were true that it is indeed Endosulfan - and we can expect massive cover ups) on their pineapples meant for export.

Radio interview with divers say that they have difficulty breathing underwater from the first time they started the search-and-rescue operations early this week, which made it very hard to recover bodies inside the upside-down ship.

Tragic to think about the long-term effects of such a highly toxic and endocrine-disrupting pesticide on corals, water and the entire marine ecosystem off Sibuyan Island and adjacent water bodies...

(;-)Neth


Hmmmnnn....

Tone-toneladang "endocrine-disrupting pesticides"... ginagamit sa mga pinya ng Del Monte - popular pa man din ang mga de lata nito... tapos kasama pa sa lumubog na barko, so, napahalo sa tubig... mapapunta sa isda at iba pang lamang-dagat... tapos makakain o makakabot na sa mga tao... isa lang ang ibig sabihin nito...

...DADAMI NA NAMAN ANG MGA BADING SA PILIPINAS!!!!

Hehehe, go sisters!!!

Thursday, June 26, 2008

Kalendaryo...

Tumataginting na trenta'y-uno na ko!

Salamat sa mga nakaalala....

Friday, June 20, 2008

Orig naman!

Eto na uli mga sample ng gawa ko...

...ilang buwan na 'tong tapos, pero ngayon ko lang mai-post dito...pero marami pa rin....

Photobucket
8" X 10" ang laki, oil on canvass...unang pagsubok sa paggamit ng oil na pintura, ginawa ko ito habang meeting ng Komikero...ang titulo...uhmmmn, "Inner dance series 1"!

Photobucket
...eto naman, "Inner dance Series 2", 20cm X 30cm ang laki, oil on canvass din...sa isip ko "Garden of Eden" ito eh!

...tapos, ito naman ang serye sa mga iginuhit ko na medyo kinaaliwan ko, pero nakakapagod din...mga serye naman ng hayop ito. Magsisimula sa pag-doodle lang, tapos may mabubuo ng pigura...kalimitan mga hayop sa dagat ang lumalabas na iba't-ibang uri ng pagong o pawikan, o mga lumba-lumba o dolphins...

Photobucket
...ahas na nakapulupot, Cobra pa nga...

Photobucket
...butiki o bayawak, basta sa pamilya ng mga lizard/reptile...sa mga katutubo o indigenous peoples (IP), ang butiki ay simbol ng buhay o creation (kaya malimit itong nakikita na kasama o nakapasaloob sa kanilang mga disenyo)...

Photobucket
...at ang pawikan!

Ewan ko, nahihilig ako ngayon sa mga pawikan, kahit hindi pa ako nakakita ng buhay o sa malapitan, kalimitan kasi sa mga litrato, sa t.v. o 'yung mga pinatuyo na nakumpiska o stuffed (taxidermy) na....

Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama...

Kaninang umaga, itong awiting ito ang nasa isip ko, tuloy-tuloy o paulit-ulit ang pag-awit sa isipan ko....

Isinalpak ko na nga ang cd sa player para lang maibsan ang utak ko, pero patuloy pa rin...

...tapos naalala ko, n'ung mga nakaraang buwan, nakilala ko nga pala 'yung sumulat at umawit nito....at inawit nya ito sa harapan ko, siyempre pa, para akong nasa langit na parang hinaharana, hehehe!

Tapos, sabi niya, kumpleto na raw 'yung titik ng "Tugon", ang pangalawang bersyon o tugon sa awiting "Rosas ng Digma" - inawit nya rin sa harapan ko siyempre (haba ng long hair ko 'day)!

Photobucket

Eto siya, si Danny Fabella ng Musika ng Bayan

Tapos ngayon, naghanap ako sa youtube, 'buti na lang meron na pala nito...huwag nyo na lang pansinin 'yung sayaw (interpretative dance daw...), medyo corny eh...hinihintay ko na nga pangatlo nilang album eh....






Rosas ng Digma
Musika ng Bayan

Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hangga’t laya’y di pa nakakamtan
Buhay mo’y laging laan...

Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasang sa’yo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma...

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta...

Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo
Nagbibigay-buhay sa bawat puso
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting
Sa langara’y kislap ng bituin...

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta...

Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta...

...gaya ng pag-ibig na alay ko sinta


Ang tugon
Musika ng Bayan

Ika’y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi pilit na umalpas
Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas
Sa aking mundo’y napadpad...

Katulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin
Upang pag-ibig mo’y iparating
Sa rosas ng iyong paningin...

Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama
Sa bawat pangarap sa piling ng masa
Magkahawak-kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya...

Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama
Sa bawat pangarap sa piling ng masa
Magkahawak-kamay sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya...
...para sa pag-ibig, tunay at dakila

...sanga pala, ito na ang awit na ipinalit ko sa "Kanlungan"...bwisit kasi 'yung Mcdo na 'yan eh!

Thursday, June 19, 2008

Konti muna...

Inaayos ko muna ang mga nasa sidebar...dahan-dahan lang muna....

Kapag dinagdagan ko, nasisira na naman, balik na naman ako sa zero...haaaayyy....makalagot oi!

Wednesday, June 18, 2008

Astroboy...astroboy...the amazing astroboy....

Meron palang ginagawang pelikula nito....

Whoahoo! Aabangan ko ito!

Photobucket

Makalagot gyud!

Nawala din 'yung isang file ko ng entry para sa movie na Hulk, grrrrrrr!

Tuesday, June 17, 2008

Makalagot man oi!

Bakit nagkagan'un?

Kapag tinanggal ko 'yung post na ito at 'yung nauna, babalik sa dati...

...pero kapag may bago na post, pumupunta sa ibaba 'yung sidebar?

Kainis naman oh!

...saan kaya may mali?

testing...

Makalagot oi!

Nasisira ang template ko!

...kapag may ipinost ako, nasisira 'yung nasa sidebar...kainis naman oh!

Testing muna....

Thursday, June 12, 2008

Nindot kaayo man ni!

Photobucket

Galing 'no?

Simple, pero okay...ang pangalan ng gumawa ay si ADAM HUGHES!

Eto pala official website nya...http://www.justsayah.com

Friday, June 06, 2008

Naa'y kaspa na!

Napanood ko na!

'daming nanood!

At enjoy!!!

Mas maganda sa unang movie (The Lion, the Witch and the Wardrobe)!

Okey ng umarte ang mga bidang bata!

Medyo dragging sa una, pero kapag lumabas na mga Narnian, okey na pacing sa storya!

Okay si "Reepicheep"! Parang si Puss! Kakatuwa 'yung scene sa may pusa, hahaha!

At si Aslan, parang si...SIMBA...o MUFASA! (Oooops, wrong movie, hehehe!)

Tanong ko lang, SPOILER...kung matagal na panahon na wala ang Pevensie siblings, okay lang na makilala o malaman sila ni Prince Caspian dahil sa history o kasaysayan ng Narnia, pero paano kaagad nakilala ni Peter si Prince Caspian?

Hmmmnnnn....sa tanong na ito, gusto ko na talagang basahin ang mga libro, kaso 'di pa pwede eh, wala pang oras, tsaka, apat (4) na libro pa ang nakalinya para basahin ko....

Oh, at okay 'yung sa "Snow Queen"!

Basta, panoorin nyo, sulit gyud!


Photobucket

Tuesday, June 03, 2008

Sa wakas....(uli?)

Kahapon, galing ako sa isang meeting...meeting kasama ang ibang NGO (non-government organizations) at natuwa ako!

Bakit kanyo? Madalas akong dumalo sa mga meeting na ganito pero kahapon lang medyo kakaiba ang pakiramdam ko. Kasi, sa gitna ng meeting namin, at medyo inaantok na kami nga mga kasama ko o utang-uta na kami sa pinag-uusapan namin, ay nagkaroon ng isang intermission number.

At isang mama na pamilyar o parati ko nga nakikita sa mga rally at meeting ang kumanta sa harap namin at hinarana kami nga mga rebolusyonaryo o napapanahong awitin. Dati ko na siyang nakikita, at humahanga naman ako sa galing nya, pero hindi ko siya masyadong nabibigya'ng tuon ng pansin o interes. Ewan ko nga ba, pero parati rin naman akong nakikinig at magiliw na nonood sa kanya. Siguro, parati kong hindi naaabutan kung paano siya ipakilala, kaya gan'un na lamang ang interes ko sa kanya. Kahapon, narinig ko kung paano siya ipinakilala at laking mangha o gulat ko kasi...siya pala ang may katha ng isang awitin na sikat pero hindi alam kung sino ang sumulat!

Ang nababanggit ko ay ang awiting "Babae", kalimitang kinakanta ito sa mga rally o sa mga pagtitipong pormal lalo na sa mga may paksang pangkakabaihan. Hindi ko lang alam kung sino ang naunang magpasikat ng awiting ito kasi, dalawang (2) version ng awiting ito ang alam ko. Una ay ang version ng duo na "Fire" (Anna at Zorraya), at ng grupong "Inang Laya".

Kung mapapansin sa album ng Inang Laya, ang nakalagay lang ay "Anonymous" para sa nagkatha ng awiting ito. Matagal ko ng gustong malaman kung sino ang lumikha ng awiting ito, kasi naman napakaganda at napakalaman nito...laking gulat ko pa nga ng nalaman ko na lalake pa pala ang may katha, kasi impression ko eh babae pa nga ang gumawa nito eh! Pero, wala namang problema d'un...siya rin ang may likha ng isa pang magandang awitin, ang "Tano".

Photobucket
Eto po siya, si Manong Arting, Ramon Ayco ang tunay nyang pangalan.

...at ito 'yung awitin...alam kong pamilyar o narinig nyo na itong magandang awitin na ito!


Babae
Ramon "Arting" Ayco

Kayo ba ang mga Maria Clara,
Mga Hule at mga Sisa,
Na ‘di marunong na lumaban
Kaapiha’y bakit iniluluha?
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella,
Na lalaki ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena,
Na hanapbuhay ang pagpuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pang-kama?

Ang ating isip ay buksan,
At lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog, inyong isipan,
At tanggaping kayo’y mga libangan?
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela,
Mga Teresa at Tandang Sora,
Na ‘di umasa sa luha’t awa?
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayroong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na ‘di natakot makibaka?
At ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya


Ang ating isip ay buksan,
At lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog, inyong isipan,
At tanggaping kayo’y mga libangan?
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na ‘di natakot makibaka?
At ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya...
Mga babae ang mithiin ay lumaya!

Sex in the city....

Masarap i-translate sa Tagalog 'yung titulo ng entry na ito, kasi 'yun ang ginagawa ko ngayon, ibig sabihin, dito ako nakatira sa lungsod (city), at siyempre, dito rin ako nag...ehem, alam nyo na 'yun, hehehe....

Napanood ko kagabi 'yung pelikula na "Sex and the City", dati ko na siyang napapanood n'un sa tv, pero hindi gaano kadalas, kasi: (1) kulang sa oras - masyadong busy sa dati kong trabaho (2) walang cable ang tv namin at (3) walang tv - n'ung nasa bundok pa ko n'un...pero, kapag napapagawi ako n'un sa Davao at mag-check-in sa hotel, siyempre pinipili ko 'yung may cable tv, kaya ay'un, napapanood ko naman at enjoy talaga!

N'ung napanood ko na 'yung movie, may realization ako, dati kasi, 'di ko masyadong nagustuhan ang byuti o kagandahan ni Sarah Jessica Parker, gumanap na "Carrie" sa tv, pero sa movie, ang ganda pala nya! Lalo na n'ung, ooops, SPOILER...n'ung nagtina siya ng buhok - parang kamukha nya si Madonna!

Pero siyempre, namumukod tangi ang kagandahan ng Fafah ko, si Fafah Chris Noth, gumanap bilang si "Mr. Big"....haaaaaayyyy...

Photobucket
Oh 'di vah, Fafah siya!

Okay lang, aliw din naman 'yung pelikula, maski 'yung ibang eksena eh alam mo na ang mangyayari (cliche'), medyo tame pagdating sa SEX (d'un pa naging tame eh d'un nga sila sumikat eh), grabeh ang mga product placement o endorsement, maraming Imeldific syndromes or moments...at talagang rampadorah ang mga bidah!
(Isa pang SPOILER, 'di ko lang ma-gets, nagustuhan nila 'yung all white na simpleng damit na parang may tutu? Parang isinuot nya yata iyun ni Carrie sa isang episode sa tv series.)

At, DA BEST pa rin ang character na si SAMANTHA (Kim Cattrall), you go girl!!!!

Photobucket
Hahaha, as usual, ako na naman ang very reactive sa panonod sa loob ng sinehan, hehehe...



P.S.

Salamat pala sa isa ko pang Fafah, si Fafah Gerry para sa artikulong isinulat nya sa blog niya tungkol sa akin...SALAMAT PO!

Related Posts with Thumbnails