Friday, August 28, 2009

konting inarte lang...

Medyo matagal na pala akong hindi nakakapag-post ng mga gawa ko dito. Sa totoo lang, marami akong naiguhit na, kaso nga lang, nalilimutang ipakita rito, hassle kasi kapag wala kang sariling digital camera o scanner...

...pero ngayon, sige lang, may scanner na malapit eh, hehehe, salamat Jonas!

Sinimulan ko ito ng nasa isang resort ako sa Irosin, Sorsogon...mainit sa kwarto, mag-isa lang ako, hindi makatulog, kaya heto....

Kaya nga pala ito ang mga karakter sa ginawa ko, kasi ito 'yung baon kong komiks nang panahon na 'yun eh ang "After Eden" ni Arnold Arre - da best lab stori eber!


Photobucket
After Eden ni Arnold Arre...medyo mahirap na siyang hanapin ngayon, out of print na kasi yata, pero kung may makukuhanan pa kayo, kuhanin nyo na at sabihan nyo 'ko, kasi gusto ko pa ng isang kopya eh!

Anyways, eto po ang nakatihan kong iguhit...eto ang rendition ko sa mga karakter, ika nga eh, naisayaw ko na sila sa aking mga kamay, hehehe...


Photobucket
Si Celine...ewan ko, ito ang naiguhit ko eh...eksena ng pagpapakilala sa kanya...

... tapos, eto naman...


Photobucket
...si Jon!

Tapos, medyo hindi pa ako inaantok n'un, kahit basang-basa na sa pawis (ang init eh,maalinsangan!), kaya humirit ako ng isa pa. Ang nasa isip ko n'un, karakter naman ng isa sa mga kaibigan ko, naisip ko bigla si Geoff, kaya eto lumabas...


Photobucket
...si Servant!

Well, sana magustuhan nyo!

Sa susunod, dadalasan ko na pagpaskil ng mga gawa ko uli dito....


Bookmark and Share

Thursday, August 27, 2009

Queso anyone?

Ang CHEEZY!

Photobucket
Ako at si Chiz!

Da hel! kasama ko si Chiz?

Well, naimbitahan lang po, hehehe....

Nagkaroon kasi ng "meet and greet event" ng mga blogger kasama si Chiz, naimbitahan ako, kaya go lang...

Ay'un, pagkakataong makita, makausap at makapagtanong sa kanya...first time ko sa ganito, kaya medyo kabado, hehehe...pinigilan pa nga ako ng kaibigan kong magsuot ng cocktail dress eh, suya! I hate you Jonas, you MANSTER!

Nasa isip ko n'un, kamukha nya ba talaga si Bamboo? matangkad ba siya? Maputi? Mga gan'ung non-sense...pero n'ung naroon na, okay naman pala, hehehe. Okay naman siyang kausap, ika nga eh, hindi na mukha lang sa telebisyon o dyaryo na nagsasalita, ngayon eh, siya na talaga!

Okay din naman naging takbo ng usapan, more on the personal side nya...paano nya nakuha palayaw nya - Chiz Curls... gusto nya pala costume ni Green Lantern (Hal Jordan)...at mega-crush nya pala si Kristine Hermosa, hahaha, ooops!

Heps, 'yun na lang, hehehe, magiging Chizmax na 'to 'pag nadagdagan pa, wehehehe...basta enjoy!

Bookmark and Share

Wednesday, August 26, 2009

ALAGAD NG SINGIT, KASINGIT-SINGITAN NGA NAMAN!

Wahahaha, Caparas!



...habang pinapanood ko ito, nakipanood din 'yung officemate ko na lawyer, sabi nya, 'yung pagkaka-issue daw ng TRO ng Supreme Court, "GOOD SIGN" daw 'yun...kasi kung totoo daw sa tungkulin ang Supreme Court, ang babasehan daw nila d'yan eh 'yung batas o guidelines sa pagpili ng National Artist. Hindi daw magde-deliberate ang Supreme Court kung art nga ba ang mga gawa ni Caparas o kung visual artist mismo si Caparas...

...'yun eh kung "totoo" nga ang Supreme Court...abangan!

Pero tandaan mo Caparas, 'di pa tapos ang laban!



Bookmark and Share

Tuesday, August 25, 2009

MADE Art Exploration Series

Photobucket
...i-click nyo na lang po para makapunta sa website nila para sa detalye...



Bookmark and Share

Sunday, August 16, 2009

Imbitasyon at kakengkoyan!

Hey!

Panawagan o imbitasyon sa lahat ng may gusto!

Meeting na naman ng mga magigiting, hehehe, kaya attend na kayo!

KOMIKERO MEETING sa August 30, Sunday, 10am up to sawa, sa San Pablo City...kaya kitakits!

T'yak na masaya na naman ito. Oh, para sa mga baguhan, huwag kalimutang magdala ng extra na damit, underwear at tuwalya, hehehe...wala lang...basta!


Photobucket
...i-click nyo na lang po poster para sa detalye...at salamat kay jonas para sa poster, yehey!


Tapos...

...para sa kakengkoyan naman, hehehe, eto ginawa namin ni fafa Gerry, hehehe....


Wehehehe, kalipay gyud!

Bookmark and Share

Wednesday, August 12, 2009

Invitation: Tagaytay Artists' Summit

Nakuha ko ito sa e-mail, isang imbitasyon, pero i-share ko sa inyo...kung sino mang interesado, makipag-communicate na lang kayo sa kanila (i-click ang poster)...para sa entry form, gan'un din o kaya ay i-e-mail nyo na lang ako ('di ko alam i-link or i-attach dito eh)....


Photobucket

Bookmark and Share

Tuesday, August 04, 2009

National Artist? Ows, talaga lang ha?

Sobra ng kakapalan ng mukha ito!

Photobucket

...may kasamang petisyon, pakibasa at pakilagda na rin po dito....

P.S.

Salamat nga pala kay Ed para sa imahe sa itaas.

Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails