aaaahhh...balik na uli ako galing sa aking masarap na baksyon, kay ganda at sarap ng mga nangyari....
nagkita kami ng kaibigan kong babae na apat na taon na kaming ‘di nagkikita, sa kanila ako tumuloy at tumira ng halos isang lingo. Pagkarating ko d’un, ginala nila ako sa buong Davao City para daw ako maging familiar at sanay sa lugar, para daw hindi ko na iiwan ang Davao… tama sila, mahirap ngang iwan ang Davao! Iginala nila ako sa mga bars at mall na pwedeng paggimikan…okay dito, kumpleto na, maganda at mura pa. Seafoods galore! As in, magsasawa ka sa sariwa at murang pagkain galing sa dagat.
Pagkatapos naming gumimik, pauwi na kami ng napaddan kami sa lugar na medyo pugad ng mga babaeng mababa ang lipad, angels ang tawag sa kanila dito…grabe, napabagal lang kami ng takbo ng sasakyan, hinabol na kami ng mga bugaw…eh, naging curious ‘yung kaibigan ko kung paano daw pumick-up ng babae, ang ginawa ng asawa niya na driver namin n’un, ako ang ginawang bitag, ako ang nag-entertain sa mga bugaw, habang siya tinitingnan nya kung paano…grabe, ang babata ng mga babae, halos puro “daisy”…pero siyempre, try lang, tanong lang, ‘di talaga kami kumuha….
Halos alas-tres lagi kami ng madaling araw kung matulog, dahil kung saan-saan kami pumupunta gabi-gabi (kaibigan, gimik), minsan kasama ko sila, minsan ako lang mag-isa…ang kagandahan nito, okay lang, puyat man, may energizer naman ako kinabukasan, malapit kasi ang bahay nila sa beach at tuwing umaga, parati akong pumupunta doon, nilulubos ko na, ‘di naman kasi masyadong malamig ang tubig eh, malinis pa…’di tulad sa amin, parang yelo ang tubig kahit anong oras, malamiiiig!
Pagkakataon ko na ring manood ng sine, kaya lahat ng gusto kong panoorin, pinanood ko…pasiyam na nakakatakot, maganda siya in fairness, iniririkumenda ko siya na panoorin nyo…’yung mga pelikula sa MMF, okay naman, pinanood ko ang:
happy together, maganda ang kuwento, nakakalungkot, ewan ko lang kung nakuha ng mga manonood ang pinapahiwatig ng director, nalunod kasi ng tawanan ang bawat eksena kaya ‘di mo alam kung tumatak ang moral lesson ng kuwento, magaling ng umarte si Kris, bagay yung role sa kanya, at pati kay Eric, bigay na bigay, parang ibong nakawala, heh…ibon…walang kuwenta lang talagang umarte ang mga yougstars, as in face value kaya lang sila nakasama sa pelikulang iyon.
panaghoy sa suba ni Cesar…I’ll give him the credit for writing and directing the movie, that’s it. Maganda ang kuwento, sa lengwaheng Bisaya, nakapagtataka na kakaunti pang mga marunong sa Bisaya ang nanood ng pelikula.
aishite imasu..grabe, marami akong hinangaan sa pelikulang ito, at maraming beses din akong pinaiyak ng pelikulang ito, dalawang beses ko siyang pinanood para sulit ang bayad
Siyempre, n’ung ako na lang mag-isa ang gumimik, medyo nagkasala ako..uso din pala ang one night stand dito eh, may pumatol sa akin…kayo na bahala kung babae o lalaki, hehehe…basta, medyo, naka-break din ako ng record…we had sex for one and a half hour, if we’re not conscious of the time, we could have extended it to two hours…hehehe, beat that!
Ang nakakatawa pa nito, estrange relationship kasi ako sa asawa ng kaibigan ko, pero nagkaroon kami ng usapan, bonding at nagkalinawagan kami sa isa’t-isa, sa tinagal-tagal pala naming pag-iiwasan, walang kwenta lang pala yung dahilan…nagpalayo ako sa kanya dahil lamang sa miscommunication…hahaha, buhay nga naman! Ngayon, okay na kami.
Iyan ang mga adventures ko sa Davao, n’ung umuwi na ako sa Makilala, panibago na naman…ayaw ko pang umuwi sana kaso may nakaplano namang gimik ang pinagtratrabahuhan ko…sa beach naman kami, sa Talikud island…n’ung una ayaw kong sumama, beach na naman eh, pero, buti na lang sumama ako, snorkeling at scuba diving naman pala ang gimik…hanggang snorkeling lang ako, takot pa ako sa ilalim eh, pero putik! Ang ganda ng mga isda at korales, para kang nasa ibang mundo, mas maganda kaysa d’un sa mga nakikita ko sa litrato…sa susunod na lang ang pagsisid, medyo mahal eh…at nung pauwi na kami, okay din ang nangyari, sinabayan yung bangka namin ng mga flying fish! Kakaiba talagang karanasan!
Nung matapos iyon, kinabukasan, Christmas party naman namin (kahapon iyon), okay naman sila…busog at masaya…sunod-sunod ang gimik, saka ko na lang ipo-post ang mga pictures dito, nasa boss ko pa eh….
Sa mga kaibigan ko, medyo nanahimik muna ako, masyadong nag-enjoy eh, pero huwag kayong magtampo, babawi ako sa inyo…grabe yung ginawa ni manong gerry – hoy, feeling ko patay na ako! Salamat! Hehehe, pati na rin sa ‘yo Jonas!
Teka…anong sinasabi nyong e-mail kayo ng e-mail sa ‘kin, wala po akong natatanggap…ngayon lang ako nag-check ng e-mail ko, wala akong natanggap galing sa inyo…
Anyways, belated Merry Christmas na lang at HAPPY HAPPY NEW YEAR!!!!!
Mwah!