Eto, mas mukhang Egyptian na talaga!
Inisip kong gawin, tapos hinayaan ko ang kamay ko and voila!
Mukha na nga!
Wednesday, August 27, 2008
Tuesday, August 26, 2008
Walk like an Egyptian....
Monday, August 25, 2008
"You say goodbye and i say hello...."
Nakakatuwa, n'ung isang gabi.
May nag-imbita sa akin, despedida party nya raw, si Matt, volunteer namin sa office.
Naglalakad ako pauwi ng sabado ng gabi (rumafah, ano fah!) ng naalala ko uli ang imbitasyon, sabi ko na lang sa sarili ko, "a-attend ako kung maidro-drawing ko siya!"
Uwi ako sa bahay, kuha kaagad ang papel, brush at itim na poster color.
At sinimulang gumuhit... at ito na nga!
"Chunky" kung siya ay tawagin... mukha daw siyang "sinister" dito, sabi niya, hehehe....
So, pumunta ako sa despedida party ni Matt, at ibinigay ko ito!
Tuwang-tuwa siya!
Eto ang tunay na Matt!
Mamayang gabi ang flight nya pauwing U.K. Have a safe trip Matt!
Since kanta ng Beatles 'yung titulo ng entry na ito, at naikwento ko na ang "goodbye", eto naman ang "hello!"
Hello kay Oona!
Cute talaga ni Oona, si URDUJA ISABELLA G. FLORENDO!
Anak ng kaibigan namin ni Jonas, si Laya. Kamakailan lang eh nag-birthday siya at bininyagan na rin, kaya belated HAPPY BIRTHDAY and BAPTISMAL DAY OONA!
P.S.

Nakakuha din pala tayo ng gintong medalya sa Olympics, sa Wushu!
Pero kahit ito ay isang exhibition lamang, at least, nagkaroon ng pagkakataon na humanga ang buong mundo sa Pilipinas, iniangat ang bandila natin at tinugtog ang pambansang awitin sa Beijing Olympics!
Mabuhay ka Willy Wang!
Thursday, August 21, 2008
Si Ninoy at ang mga butil ng pag-asa....
Well, dalwampu't-limang taon (25 years) na pala ang nakakaraan ng pinatay si Ninoy.
Isang mahalagang araw sa kasaysayan ng Pilipinas...
... at hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung sino ang may sala....
Anim na taon pa lang ako n'un at wala pang muwang sa mundo.
Ngayon namang may isip na, well, okay, may alam ako sa kanya, pero hindi gan'un kagloryoso....
Naisip ko lang makiisa sa paggunita ngayon, at isang paraan eh, iginuhit ko siya - base sa alaala....
Kamukha ba? Kasalukuyang wala akong P500.00 kaya wala akong reference eh, hehehe....
At para naman sa mga "Butil ng Pag-asa", ilan ito sa panibagong serye ng mga guhit ko. One eight (1/8) ng bond paper ang sukat nito eh.
Butil ng Pag-asa Series 1:a
Butil ng Pag-asa Series 1:b
Butil ng Pag-asa Series 1:c

Wednesday, August 20, 2008
Si Darna, Musika ng Bayan at "Sabi nila"....
So, medyo sinipag uli ako sa pagdro-drawing, kaya eto, isa sa mga haligi na karakter sa mundo ng komiks dito sa Pilipinas naman, si Darna!
Pasensiya na uli, malabo ang kuha...pero, isa ito sa mga paborito kong gawa.
Tapos, n'ung nakaraang mga araw, may nag-text sa akin na hindi ko kilala, pero maganda naman ang approach at intensyon, kaya pinatos ko na rin. Nakuha nya number ko sa isang kaibigan, Nagpapagawa siya ng study para sa pabalat o cover daw ng susunod nilang album, at kung pwede raw ako gumawa para sa kanila, napili nya daw ako kasi nabalitaan nya daw na nagpe-paint din daw ako - whoah, stir!
Ayun, siyempre nabigla ako, kaso mas nabigla ko kasi sabi nya para daw sa "Rosas ng Digma Vol. 2" na album ng "Musika ng Bayan", muntik na kong mapatili (actually, napatili na nga, ahhhaaaaay!), habang naglalakad, este, rumarampa pala ako sa may Shopwise sa Cubao, habang binabasa ko ang mensahe nya sa akin!
Kaya ay'un, ginawan ko nga ng study. Tinanong ko muna kung anong concept ang gusto nya, tapos makahingi ng kopya maski lyrics lang ng kanta na main feature ng album para sa cover design, ilang kulay, tapos bahala na rawa ako - kaya ayun, 'bili kaagad ako ng illustration board, at binulungan ko na uli ang aking mga kamay na para sa album ang gagawin at iyun na nga!
Eto ang kinalabasan...
Kakaiba na naman siyempre, lumabas na ang aking estilo, at 'yan ang rendition o impression ko sa "rosas ng digma"... may collage pa sa background, oh say!
Tapos nagkita kami n'ung nag-text, si G. Danny Fabella nga pala, at ibinigay ko na 'yung study. Ewan ko kung magugustuhan nya 'yun, pero sabi niya, tatlo (3) daw kaming sinabihan nya na gumawa ng cover at pipili sila d'un....
Para sa akin naman, okay lang maski hindi mapili, basta ang mahalaga, nakagawa ako para sa album nila, sapat na 'yun, hehehe.
Tapos, medyo nagkakwentuhan kami ng kaunti, tapos nabanggit nya na nakagawa na rin daw siya ng awit o lovesong para sa mga homosexual (bading o tibo), at kasama daw sa album na ito. Humingi ako ng kopya ng lyrics at nagbigay ako ng komento. Okay naman ang kanta, kaso hindi ko pa nga lang naririnig dahil ire-record pa nila, pero tiyak na aabangan ko ito at siyempre, nakahingi na ako ng permiso at ia-upload ko kaagad sa i-meem kapag meron na, para marinig nyo rin.
Eto ang kopya ng kanta... sabi ko, medyo palitan dapat ang titulo, kasi may kaparehong titulo na siya ng ibang awitin. Ang awitin ng bandang "Agaw Agimat", ang "Sabi nila"....
Sabi nila
Musika ng Bayan
Sabi nila’y ‘di tayo para sa isa’t-isa
Dahil pareho lang tayong dalawa
Walang patutunguhan mula sa umpisa
Ang pagsasama daw na ‘di tugma
Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
At tunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang matuwid
Na ang puso’t damadami’y manhid
Ngunit tayong dalawa’y nagmamahalang lubos
Hangarin sa isa’t-isa’y tapat
Ipaglalaban nati’t panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo’y babaguhin
Sabi nila’y ‘di tayo magiging masaya
Suyuan nati’y ‘di raw tanggap nila
‘di raw kaaya-aya sa mata ng may-likha
Kasalanan daw ating ginagawa
Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
At tunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang malinis
Na puno ng dumi ang isip
Aaaaargh, 'di na ako makapaghintay, sana may kopya na koh!!!!

Saturday, August 16, 2008
Zaturnnah, ZsazsaHHHH!
Whops, sinipag uli akong mag-drawing kagabi at kanina, kaya eto uli. Sa isip ko, si Zsazsa Zaturnnah naman kaya? Ano kayang kalalabasan?
At eto nga!
Medyo malabo lang kuha ko (sa cellphone kasi, masyadong malaki para sa scanner), pero, gustong-gusto ko itong lumabas na ito! Natakot pa nga ako n'ung sa mukha na 'yung parteng dinodrawing ko, baka iba ang lumabas, kaso, iba nga! Hehehe....
Tapos, sa isip ko uli, 'yung iba kayang tauhan sa komiks, kaya ko kaya? Lalo na 'yung mga gawa ng 'kano? Hmmmnnnn, at sinubukan ko nga, at unang pumasok sa isipan ko eh si Phoenix, kaya eto siya...
Well, okay din naman, hehehe....
Whoah, nag-e-enjoy na talaga ako ngayon sa pagdro-drawing!
Lalo nang nag-e-evolve!
Salamat talaga sa INNER DANCING!

Friday, August 15, 2008
Trese at Elmer
Well, kagabi, pumasok lang sa isip ko na mag-drawing ako, tapos nasa isip ko eh Trese ni Budjette Tan, kaya kinuha ko mga gamit ko at pumwesto na ako sa may maliit na lamesa namin. Sa isip ko, ano naman kaya ang kakakalabasan?
Kaya, ayun, walang lapis, diretso na kaagad, brush at poster color na black, at nagsimula ng gumalaw ang mga kamay ko, at ito ang kinalabasan!
Well, natuwa talaga ako sa Trese, kaya mas lalong tuwang-tuwa ako ng ito na 'yung lumabas sa drawing ko!
Tapos, sabi ko, kung 'yung kay Gerry naman kaya na Elmer? Ano naman kayang kalalabasan? At ito nga, kaninang umaga, bago pumasok sa opisina, nag-drawing uli ako, 'di ako tumayo sa pagdro-drawing hangga't hindi tapos, kaya na-late ako, hehehe...sulit naman!
Well, medyo kakaiba, may itsurang manok pa rin naman, pero nag-enjoy pa rin ako!
Sana magustuhan nina Budjett at Gerry....

Thursday, August 14, 2008
Tugerarao sa tag-araw! Well, actually, tag-ulan na, hehehe....
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa Tugegarao!
Noong una, naririnig ko lang siya, at nababalitaan kung gaano kahirap pumunta d'un... wala sa isip ko na pumunta d'un, malayo kasi eh, at malabo na magkaroon ako ng pagkakaton na makapunta d'un, wala naman akong kaibigan na tagaroon. Kaso, nagmilagro, biglang may pagkakataon! Kaya bilang paghahanda, tiningnan ko sa mapa kung saan 'yung pupuntahan kong lugar...
...at nyah, malayo nga! Halos malapit na sa dulo ng Pilipinas ah!
Biyernes ng gabi kami umalis dito sa Manila, mga alas-otso na (8:00pm), nahuli kasi ako sa alas-siyeteng byahe, ilang minuto lang naman, umalis na kaagad 'yung bus, tsk! Sabi kasi ng kasama ko, gabi daw dapat kaming umalis para madali daw ang byahe, para hindi masyadong maramadaman ang sakit sa puwet at likod dahil sa ilang oras na pagkakaupo sa masikip pero maginaw na aircon na bus.
Sampu hanggang dose (10-12) oras ang byahe, at tatlong (3) stop-overs ang ginawa namin: Bulacan, Nueva Vizcaya, at Isabela - para pagbigyan kaming mga pasahero na umihi o kumain sa mga tinitigilan naming mga istasyon. Sa lahat ng mga tinigilan namin, isang uri lang ng pagkain ang kinain ko - lugaw!
Pusang iring, ang hirap ng byahe! Nakarating kami ng Tugegarao ng alas-otso na ng umaga. Marami pa dapat na gagawin, pero sabi ko sa kasama ko, pass muna ako, hindi ko kaya, dahil liyong-liyo ako sa antok, matutulog na lang muna ako at babawi na lang ako sa gabi o kinabukasan na gawain.
Kinabukasan na ko nakahataw, at isa sa mga lakad namin eh pumunta ng Tuao, pero bago makapunta d'un, dumaan na muna kami sa may Piat, kung saan popular ang Birhen ng Piat!
Maulan nga n'ung araw na 'yun, sabi ng mga tagaroon, tagtuyot d'un, at noong araw din lang 'yun umulan... kaya, medyo hassle, mahirap lumakad o mamasyal.
Ito 'yung daanan papunta sa simbahan ng Piat, nasa tuktok siya ng bundok na nakaharap sa Silangan, kaya kung tutuusin, ang likuran nito ang dinadaanan ng mga tao.
Ang "unahan" o likuran ng simbahan... maski maulan, dagsa pa rin ang tao!
At ito naman ang tunay na unahan ng simbahan.
As usual, kapag pumapasok ako sa mga simbahan na ganito, mas interesado ako na tingnan ang arkitektura, at ang mga pangyayari sa kapaligiran nito. So, naglibot-libot nga ako, ika nga eh, laag-laag lang...
...eto nga pala 'yung loob ng simbahan, kaso sa dami ng tao, siksikan sa loob, ang hirap kumuha ng magandang litrato!
Isa sa mga nakita ko sa mga nakapaligid na tindahan dito, sandamakmak na imahen ng BIrhen ng Piat... for sale!
Close-up na kuha ng isang imahen na Birhen ng Piat na pinagbibili...
...sa katabi nito eh ang lugar para sa mga kandila, isang mahalagang parte o bahagi ng isang simbahan...
...at siyempre, ang mga deboto. Ang lugar na ito ay nagiging "mitsa" din ng away sa mga deboto at mga nagbebenta ng kandila - maraming nagagalit, kasi nga naman, kalahati pa nga lang 'yung kandilang sinisindihan mo eh, kinukuha na kaagad ng iba ('yung mga nagtitinda rin mismo), 'yung iba nga, makalingat ka lang, wala na 'yung sinindihan mo!
Tapos, sa paglibot ko pa, nakakita ako ng isang mahabang pila, nagtaka ako, kasi may misa sa loob ng simbahan, pero may mahaba pa ring pila sa labas ng simbahan at ang dulo nito eh hindi naman sa may pintuan, kundi sa likuran, kaya nakipila na rin ako...
...so, eto 'yung pila, pataas pa ng hagdan, tapos ito na 'yung natatanaw ko...
...parang may inaabot o kinukuha na ewan... naghintay lang ako para mapalapit ng husto...
...tapos, eto pala 'yun... laylayan ng damit ng Birhen ng Piat!
Ipinapahid nila ang kanilang mga kamay o panyo dito, at ipapahid nila sa parte o bahagi ng kanilang mga katawan na may sakit o karamdaman...
...para mas close-up...so, nasa likod kami ng altar ng simbahan. May maliit na bintana, sapat na hawakan ang poon o ang damit nito, pero hindi kayang mailabas ang "mahahalagang" bahagi nito, tulad ng tunay na gintong korona o mga alahas....
Tapos, patuloy pa rin ang aking paglilibot-libot, tapos uli, eto naman nakita ko...
...blessing station for religious articles...hokey, at may bayad ha!
Nahuli ko pang nagbibilang si Father, kung magkano kita nya, hehehe!
...at patuloy pa rin ako sa aking paglalakabay...eh, paggala pala, hehehe....
Eto naman, nakita ko, 'di ako makalapit sa altar at makuhanan ng litrato ang Birhen ng Piat, meron din pala d'un sa isang sulok, ito ang ginagamit yata kapag prusisyon... medyo mukhang malungkot nga lang... nasa isang sulok lang... mag-isa... walang kasama... walang pumapansin....
Close-up ng imahen... maitim din pala ang itsura nya, parang sa Nazareno, pero hindi ko alam ang kwento sa likod nito kung bakit maiitim ang kulay nya.
...at natapos din ang misa...
...dagsa pa rin ang tao na lumalabas ng simbahan, at may kapalit uli panibagong grupo na dadalo sa kasunod na misa....
...at siyempre, kung may simbahan na popular o sikat na ganito, hindi mawawala sa paligid nito ang mga tindang pagkain! Ito ang kalimitang kinagigiliwan kong tingnan at subukan kung anong mga kakanin ang meron o kakaiba/unique sa isang lugar! At hindi nga ako nagkamali, ang daming kakaiba!
Whoah, daming uri ng kakanin! Mmmmmmm, sarap!
Eto naman, "pawa" ang tawag nila dito!
"Sinabalos" naman ang tawag nila dito. Kawayan ang ginamit na lalagyan, tapos ang loob eh, parang malaking suman na imbutido.
Nahiya ako d'un sa mga ale na nagtitinda, wala akong pambili eh, sabi ko, kuhanan ko na lang sila ng picture para ilagay sa internet. Umoo naman sila at baka daw ma-"discover" pa daw sila, hehehe... pinoy nga naman, pagdating sa "kodakan"! And'yan pala 'yung "tupig", 'yung parang balinghoy na suman na iniihaw!
Tapos, n'ung pauwi na kami, may napansin ako sa malayo na kakaiba, sinipat at tiningnan kung mabuti kung ano 'yun, at ito pala!
Tabako! Minsan lang kasi ako makakita nito eh...well, hindi rin naman ako gumagamit kasi nito eh....
Close-up uli para mas klaro!
Tapos, dumiretso na kami sa dapat talaga naming puntahan, sa Tuao! Dinaanan uli namin ang malawak, malapad at malalim na Cagayan River, kaso ang hirap kumuha ng picture kasi malakas ang ulan!
Paglampas ng tulay ng Cagayan river, eto ang bubulaga sa 'yo papuntang Tuao, SMILE!
At ang Tuao...well, wala akong iniindorsong pulitiko ha, napasama lang ang pagmumukha niya d'yan!
At doon na namin ginawa ang dapat naming gawin...ano 'yun? Well, censored, hehehe... tapos nagbyahe na uli pauwi ng Tugegarao, maski may dinaanan pang iba.
Tapos, konting pahinga, at naggayak na uli kami pauwing Manila, pero sabi ko, libutin ko lang saglit ang Tugegrao, para sulit naman, at eto nga... with style pa!
One (1) horsepower na sasakyan! Normal mo lang makikita sa mga lansangan ng Tugegarao ang mga kalesa, at ito ang ginamit namin sa pag-ikot ng Tugegarao! Kasing presyo din lang ng sa jeep ang pamasahe, kaya mas enjoy kung sight-seeing lang ang gagawin, pero kung nagmamadali ka, mmmmmm, hindi ko maimumungkahi, hehehehe.
At natapos ang pag-ikot, uwi sa tinuluyan, naggayak paalis at umuwi na uli papuntang Manila...Alas-siyete kami ng gabi umalis d'un at nakarating kami sa Manila ng mga alas-singko y media... mas mabilis na ang pabalik ngayon, kaso nakakapagod pa rin, pero enjoy naman!

Wednesday, August 06, 2008
WONDER WOMAN!!!!
Wehey!
Maski animated, ok lang, medyo matatagalan pa ang live action movie eh! Idol ko 'to eh!
Woohooo!
Sa mga hardcore na Wonder Woman Fan, na tulad ko, maraming "mali" sa trailer pa lang na ito, pero, sige lang, mag-enjoy lang ako, hehehe, at aabangan ko talaga ito!

Tuesday, August 05, 2008
Monday, August 04, 2008
Taya uli ako!
Parang slumbook oh!
Hmmnnn, parang grade one pa lang ako n'un, nakatanggap na ako parang ganito... well, enjoy pa rin naman.
1. what do you want for your birthday? KINGDOM COME ABSOLUTE EDITION!!!! Must have that, damn!
2. who will be your next kiss? Uhmmn, madali lang ‘yan, hehehe, si Erick!
3. when was the last time you went to the mall? Kahapon lang! Halos araw-araw nasa mall kami eh, rumarampah, walking distance lang naman eh!
4. are you wearing socks right now? Yez, nice timing!
5. how did you spend your summer? Sa Marinduque kami n’un! Nagkayayaan sa opisina, bago pa lang ako n’un, kaya masaya pa, hehehe…ngayon, ewan ko na lang, hehehe....
6. have you been to the cinema in the last 5 days? Yes, kahapon lang, watched “Kalakal” sa Robinsons Malate.
7. what was the last thing you had to drink? Tubig, kanina, bago umalis papasok ng opis!
8. what are you wearing right now? Shoes, socks, slacks, t-shirt.
9. what was your last purchase? Well, nag-grocery kami ng pang-dinner kahapon, hati kami sa bayad, kaya ‘yun na ‘yun!
10. what was the last food you ate? Kagabi ‘yun, adobong sitao na ulam and mushroom soup!
11. who would be the person you would call if you were up in the middle of the night and couldn’t sleep? Kahiya naman, manggigising pa ako, nagbabasa lang ako, either comics or pocketbook….
12. have you bought any clothing items in the last week? Nope, puro bigay pa eh, hehehe….
13. do you have a pet? Wala nga eh, nami-miss ko na nga eh…’di kasi pwede sa inuupahan naming room…gusto ko sana pusa, lovebirds at isda man lang….
14. what made you laugh in the last 5 days? Kahapon lang, when watching “Kalakal”! Kakatuwa, wehehehe!
15. if you could be anywhere right now, where would you be? Sa Davao!
16. what is the last thing you purchased online? Trading cards, ang tagal na n’un!
17. one thing you hate about yourself? I love myself!
18. do you miss anyone? Marami po sila!
19. what are your plans for the day? Computer, computer, computer!
20. last person you msg’d? Sa text? Si Romy!
21. ever went to a camp? N’ung gradeschool, Boy Scouts Camp, hindi naman kami natulog d’un, maghapon lang na activity… n’ung college, maraming hiking na may kasamang camping… well, mahilig akong sumilip sa mga military camps, hehehe….
22. are you a good student in school? Ooohhh, how good is “good”?
23. what do you know about the (your) future? Ayaw ko kasi ng spoilers eh!
24. are you wearing any perfume or cologne? Nope!
25. where is/are your best friend/s right now? Call center!
Teka sinong ita-tag ko? Ilan bang kailangan?
Uuuunhhh, okay, tag ko sina...Gerry, Azrael, at Dennis!

Subscribe to:
Posts (Atom)