Thursday, June 21, 2007

isa pang kanta sa 'di nakakita, isa pang himig sa 'di nakarinig...

isa pang awitin na medyo kakaiba ang dating mula sa isang kakaiba ring mang-aawit!

una kong narinig ang awiting ito sa pelikulang "Meet Joe Black", sa bandang huli o end credit part na ng palabas, n'ung 2001. Una ko pa lang dinig sa kanya, nabighani na kaagad ako at pinilit kong kinuha kung anong magandang impormasyon tungkol kung sinong umawit. Mabuti na lamang at may internet na noon, kaya madali kong nahanap at laking gulat ko sa aking nalaman.

simple lang kasi ang pagkakalapat at pagkakaareglo sa musika pero hanep naman sa husay ang boses ng kumanta! Sa tuwing maririnig ko ang awiting ito, lalo na ang bersyong ito (mas lalo pa 'yung may kasama na "its a wonderful world" -
http://youtube.com/watch?v=Pe5p1BXNCQM&mode=related&search=), parati na lamang akong napapaiyak, dahil damang-dama ang melodya at titik ng awiting ito...

ang kumanta nga pala nito ay si ISRAEL KAMAKAWIWO 'OLE o sikat sa palayaw na IZ, isang Hawaiano na sobrang galing, mabuting tao (base sa tribute sa kanya)...at medyo may konting katabaan, pero grabe naman sa GALING! 'yun nga lang naging balakid ang kanyang katabaan sa paghaba ng kanyang buhay, dahil maaga siyang nagpaalam sa mundong ibabaw...sana marami pa siyang nalikha na mga awitin...at sana, nakilala ko ang mga gawa/kinanta niya n'ung buhay pa siya...well, gan'un talaga ang buhay...

nakakiyak din panoorin 'yung tribute sa kanya, grabeh......

sana magustuhan nyo rin itong awiting ito...

Israel Kamakawiwo'Ole

Salamat, salamat musika...

nasa ibaba ang mga kantang parati kong pinapakinggan ngayon...medyo sinauna nga lang pero okay pa rin...

mga paborito kong kanta ng grupong "The Mamas and The Papas" - MAMA CASS RULES, errr, RULED na pala, hehehe...

at siyempre, pati na rin ang "5th Dimension" na grupo...kaso, ito lang ang familiar ako na kanta nila....

Mamas And The Papas Dancing In The Street Monterey 1967

The mamas and the papas - California dreamin

The Fifth Dimension - Aquarius (18th May 1969)

Sunday, June 17, 2007

haaay....kinabuhi!

'yun lang kaya ko munang sabihin ngayon....

kaya ko ito, malalampasan ko ito....

sa mga tumutulong, SALAMAT po ng MARAMI....

Wednesday, June 06, 2007

tulong beh!

am in need of great help now...and one way is doing this...no choice but to sell my collection...please help me...you can contact me through cp (09275311680) or email (johnny_danganan@yahoo.com) if you are interested...

Comics

Green Lantern 48-50: 1st Appearance Parallax and Kyle Rayner (P300)
JLA nos.: 258-261 - The End of The Justice League of America (P300)
Legion of Super-Heroes Nos. 21-24: The Quiet Darkness (P400)
Ninjak 1-4 (P300)
Tales of the Teen Titans 1-4 (P400)
Underworld 1-3 (P300)



TPBs

Ash vol. 1 (P200)
Batman/Grendel vols. 1-2 (P200)
Batman: Sword of Azrael (P250)
Batman: The Killing Joke (P400)
Bishop: The Mountjoy Crisis (P200)
Crisis on Infinite Earths (P700)
Earth X (P800)
Gambit (P250)
Identity Crisis (P750)
JLA: American Dream (P400)
JLA: Earth 2 (P600)
JLA: Formerly Known as the Justice League (P500)
JLA: I Can’t Believe Its Not the Justice League (P500)
Legends: The Collection (P400)
Legion of Super-heroes: Foundations (P400)
Martha Washington: Give ME Liberty (P300)
Outsiders vol.1: Looking for Trouble (P500)
Outsiders vol.2: Sum of All Evil (P500)
Outsiders vol.3: Wanted (P500)
Power of Shazam (P400)
Superman: Under a Yellow Sun (P200)
Superman: The Death of Superman (P400)
Superman: The Wedding Album (P200)
Superman/Aliens (P200)
Teen Titans: The Judas Contract (P600)
Teen Titans Vol. 1: A Kid’s Game (P400)
Teen Titans Vol. 2: Family Lost (P400)
Teen Titans Vol. 3: Beast Boys and Girls (P400)
Teen Titans Vol. 4: The Future is Now (P400)
Teen Titans Vol. 5: Life and Death (P400)
Teen Titans/Outsiders vol. 1: Insiders (P500)
Teen Titans/Outsiders vol. 2: The Death and Return of Donna Troy (P500)
The Kingdom (P500)
V for Vendetta (P300)
Vamps (P300)
Watchmen (P700)
X-men: Adventures of Cyclops and Phoenix (P250)
X-men: Danger Room (P300)
X-men: Dark Phoenix Saga (P500)
X-men: Days of Future Past (P150)
X-men: Generation X (P300)
X-men: Mutant Massacre (P300)
X-men: Mutations (P400)
X-men: The Coming of Bishop (P250)
X-men: X-tinction Agenda (P500)



Monday, June 04, 2007

ang syunga koh!!!!!

okay, grabeh, ang syunga ko talaga!

naiwan ko ang susi ng bahay kahapon, so hindi ako makapasok, mahirap sirain ang pinto at siguradong mapapagalitan ako ng bosing ko...kaya, tinawagan ko ang housemate ko na ipadala ang kopya nya na susi. Dalawang (2) oras ang layo ng byahe papuntang Kidapawan City kaya sabi ko, pakisuyo na lang na ipadala sa driver ng van ang susi at dun na lang sa tindahan namin ibigay...sabi nya makitulog na muna ako sa iba, kasi kinabukasan, may pupunta sa Davao, doon na lang daw ipadala, kaysa sa driver pa ng van baka lalo pang mawala...

okay naman, nag-check in na lang ako sa hotel...nagastosan pa tuloy, at siyempre kapag nasa hotel, alam mo na, hehehe...

kinabukasan, ayun na nakuha ko na si susi, mukhang dalawang (2) kopya siya...dumaan muna ako tindahan, inayos ang dapat ayusin, iniwan ang isang kopya at umalis na...okay na sana.

pagdating ko sa bahay, okay 'yung isang susi (double lock kasi eh), pagdating n'ung isang lock, ayaw, bumukas, ay PUTA! Ibang susi pala! kaya ayun, balik na naman ako tindahan...byahe na naman...sana hindi ko iniwan 'yung akala ko na duplicate na susi, ang syunga ko talagaaaahhh! haaaay, makalagot...kapoy na kaayo!

Sunday, June 03, 2007

Gimik na sad Part 2!

Hehehe...at naulit na naman po!

Naka-gimik ako n'ung isang gabi...at katulad ng dati, may naloko na naman ako!

May 2 babae na pumasok at tumabi sa akin...super sexy ang dating at talagang halos hubad na sa kanilang kasuotan! Tapos, sumasayaw 'yung isa at talagang naghahanap ng lalake, hehehe...'yung isa naman, inom lang ng beer nya.

Halos lahat ng lalake d'un sa bar, pinuntahan 'yung gumigiling, at inalok ng beer o kung anuman, kaso, sa 'di maipaliwanag na pangyayari, wala siyang magustuhan! Eh ang daming gwapo, ako marami akong type, ewan ko lang siya, hehehe....Narinig ko lahat ang mga style ng lalake kung paano makipagkilala at lahat, welll, hehehe, puro palpak! Obvious na obvious kasi na sex lang ang habol eh...well, sa bar ba naman, kaso huwag naman masyadog garapal mga parekoy...

Ayaw nya sa mga naroon...pero panay pa rin ang giling at pa-sexy...halos lahat naglalaway na sa kanya...well, halos lahat...ako, wala, patingin-tingin lang at ngiti, hehehe...'yun pala, ako ang gusto, gumigiling sa harap ko at kinikiskis ang pwet at suso nya sa harapan ko, hehehe...eeeewwww, ang sarap sabihin na, pwede ba hindi ako LESBIANA! Hahahahaha!

Umalis na lang ako....hehehe...gabi na kasi, its past my bed time na...


Saturday, May 26, 2007

okay na ba ako?

ang tanong sa itaas, totoo na ba 'yun?

nagkaroon uli ako ng pagkakataon na umuwi, ay bisita pala diyan sa luzon (dire na nga pala ako sa davao nagapuyo karon, hehehe)...at medyo mahaba-haba nga (mahigit 1 linggo) pero loaded naman sa gawain kaya hindi rin masyadong nakapagliwaliw! well, ang masasabi ko lang, mixed emotions na naman…masaya, malungkot, exciting, at emosyon ba’to - NAKAKAPAGOD! Eh halos, unang araw pa lang ng pagdating ko diyan, hataw na kaagad sa gawain, nag-exhibit kasi kami, kaya ayun, dami ang gawa…

sa exhibit, nakakapagod talaga, maghapon kang nakatayo, tapos ie-entertain mo mga potential buyer…siyempre, hindi mawawala ang mga bitch na buyer, tapos dadagdagan pa ng isang bitch na kasama mo sa booth, ay sus, imbyerna talaga! Pero ako, siyempre,nagpakatotoo ako, bitch din ako, kaya hindi siya nakapengal sa akin, WARLAH!

enjoy din naman kahit paano, star-sightings: Recah Trinidad and Hans Montenegro…tinanong ako ng mga kasama ko, kung saan daw lumalabas si Hans, sabi ko, ‘di ko alam, basta alam ko, nakilala ko siya as, isa sa mga victims ng jojo veloso scandal, hehehe…

tapos, sa liwaliw, nakita ko uli ang iba kong kaibigan na nasa manila, malapit lang kasi, kaya ayun…una, ang aking sis na kaibigan, si AGO, kasama nya si Shog-he, isa pa niyang kaibigan, sa wakas nakita ko rin siya, kaso iba ang inaasahan ko sa itsura nya…’kala ko, daddy o bear ang dating, ‘di pala, hehehe…at pinag-usapan naman namin ang lovelife ng bawat isa, haaay, ayan na naman…

tapos, isang kaibigan pa na isang taon din kaming hindi nagkita, si Joey/Zaldy, okay naman siya, parati ko ngang hinihiritan eh, TABACHOY na siya, hehehe! Miss you na kaagad!

tapos, isa pa, nakatagpo ko na rin sa wakas ‘yung isa pa…si Abe! Isang taon din ang nakalipas bago kami nagkita…okay naman siyang kausap at kasama…

…at siyempre, dream come true, isang tao na crush na crush ko talaga eh nagkita kami at…hehehe, yun na! kaya parati akong nakangiti na ngayon, hehehe…

…at, oo nga pala, si Joey pa pala, isang masayang kwentuhan sa ibabaw ng kape, hehehe, okay ba ‘yun?

sa totoo lang, masaya nga, pero may mga pagkakataon na kapag ako’y nag-iisa, naiisip ko pa rin siya…at parang buwang na umaasa na makikita pa siya…ah, tama na!

sa pamilya ko…himala, nag-reach out na sila, open na kami sa isa’t-isa at pati tungkol sa lovelife ko eh may lakas ng loob silang pag-usapan, ‘yun nga lang n’ung sinabi ko na single na uli ako, natuwa sila, haaayyyy….kinabuhi!

…at masasabi kong medyo nakakantig ng puso…pumunta ako ng los baños, at nakausap ko ang kaibigan ko, si ate Lissa, dati kasi, magkaibigang magkaibigan kami, kaso may nangyaring ‘di maganda at naging magkaaway kami. Nag-sorry naman kami sa isa’t-isa pero hindi na naibalik ang dati…kapag magkikita kami, plastikan lang o civil, o parang magkakilala lang na walang maganda o mainit na pinagsamahan. Nitong huling bisita ko, maayos ang naging usapan namin…at natuwa ako, nung nagpaalam na ako, ako na ang lumapit, kinamayan ko siya at sinabing, “its been a long time na nag-usap tayo ng ganito”, tapos niyakap ko siya at nagpasalamat. Gan’un din siya, at nasabi nya na sayang ang mga nagdaang panahon, halos 10 taon din ang nakalipas…sayang talaga, ang tagal din pala ‘yun! Kaya ayun, maluhaluha ako, ‘di lang ako nagpahalata….emosyonal talaga ako…

Monday, May 14, 2007

buang gyud!

Ngayong parati na akong naka-on-line, tinanatamad naman akong magsulat dito o mag-update, haaay, ewan ko nga ba!

Nawalan kasi ako ng gana sa buhay ko nitong mga nagdaang araw eh...ngayon...ewan ko na lang kung anong mangyayari...baka...siguro...ah ewan! Bwisit na pag-ibig, pero siguro, huling hirit na ito...

i love him...
i used to love him...
now, i hate him...
but still, i love him...
there will always be a soft spot in my heart for him....

Huli na talaga 'yan! Naisulat ko na at nalaman na ng lahat!

Gusto ko na mag-move on!

Gan'un pala talaga 'yun!

Shucks!

Anyways...maganda ang buhay...masarap ang buhay...gusto ko ng panibagong buhay...gusto ko na uling mabuhay! Mabuhay ang buhay!

Ah, basta, okay na ako...maski...hindi, OKAY NA TALAGA AKO!!!

Para akong buang na nagsisisigaw dito ah...hehehe, pasensiya na po, para mailabas lang po....

Tuesday, April 24, 2007

Bakit Ganun?

Bakit ganu'n? Sa tuwing uuwi ako diyan sa Luzon, parati na lang may kaakibat na malungkot na pangyayari sa buhay ko...as in, malungkot! Ewan ko kung kailan pa ako makakabawi...ganito pala 'yun kasakit....

Haaay, natatakot na tuloy akong bumalik diyan eh....ewan ko ba!

Friday, April 20, 2007

ah ewan!

gusto ko lang munang makalimot ngayon....gan'un pala 'yun kasakit!!!!

Friday, March 09, 2007

aaaah, sige na nga!

...papatulan ko si fafa Gerry sa tag nya.

...hihirit muna ako, nakita nya pala si Cesar Montano, well, hirit ko lang, n'ung napanood ko 'yung mananabas, tawa ako ng tawa, 'yung character kasi ni Johnny Delgado, si fafa Gerry ang naaalala ko, hehehe!

...eto na...

10 Weird/Little Known Things About Me

1. Madali akong mapaiyak sa mga pelikula...Schindler's List, umagos ang luha ko...weird nga 'no?
2. Idolo ko si Jessica Zafra.
3. Kaibigan ko si Mr. Gerry Alanguilan - Gerry who?
4. Crush ko hanggang ngayon, at lalo pa yata, si Mr. Eddie Gutierez, Ahaaay!
5. 80's music pa rin ang paborito kong pakinggan.
6. Homophobic ako sa mga gay parlors or drag queens.
7. I hate my high school years (pwera lang sa totoo kong mga friend n'un)
8. Super-takot ako sa linta!
9. Napingkaw ang kaliwa kong braso dahil sa aksidente sanhi ng katangahan ko n'ung grade six ako!
10. Lampas na dalwang taon na ako dito sa Mindanao, konti pa lang alam kong bisayang salita.

oh, sino naman i-tag ko?...uhmmn...kung sino po makabasa nito na may blog!

Related Posts with Thumbnails