Sunday, November 04, 2007

Isa, dalawa, tatlo...si waway naman!

Wehey, may nakuha akong bagong awitin, at nais kong ibahagi sa inyo!

Ang may katha ng magandang awitin na "Bilang Daliri" (unang kanta sa i-meem ko ngayon) ay si Datu Waway Linsahay Saway, o kilala sa tawag na "Waway", isang datu ng tribung Talaandig sa may Sungco, Lantapan, Bukidnon. Napapadalas kasi ang pagpunta namin sa lugar nila dahil sa isang pag-aaral o research na ginagawa ng grupo namin. Nagkataon naman na napakayaman ng grupong ito sa kultura, kaya tuwang-tuwa ako na nakahalubilo ko sila at nakilala pa si Waway, kaya ibahagi ko ang mga pagtanaw ko.

Matagal ko ng naririnig ang pangalan ni Waway sa mga kaibigan ko rito sa Mindanao, at matagal na panahon na nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala siya, at eto nga, duon pa mismo sa tribo nila kami tumutuloy, kaya ayos na ayos!

Kilala si Waway bilang isang magaling na musikero at ang genre ng kanyang musika eh tribal, ika nga eh, musikang Mindanao! Halos kasamahan o kahilera nya sina Bayang Barrios, Popong Landero at Joey Ayala, kaso ang mga musikerong nabanggit ay medyo nakalinya na sa pop music (mainstream), samantalang si Waway ay nanatiling tribal na musika talaga ang dating. Sa pakikipanayam ko sa kanya, parang nagkaroon ng kasunduan, hindi naman pormal (sa grupong musikero nila), na si Waway ang manatili o magpakadalubhasa sa ganitong musika, dahil sa kanyang kakaiba at hindi mapantayang pagpapahalaga sa kultura at ang wagas na adhikaing mapanatili ito.

Ang musika ni Waway ay binubuo ng mga madamdaming titik na halaw sa pakikipagsapalaran sa katutubong buhay ng mga Talaandig, simple man o komplikado, na akma o sumasalamin naman sa buhay nating mga pinoy, sa saliw ng tugtugin mula sa iba’t-bang sariling-gawang tambol, gitara, kudyapi (minsan o kalimitan, gumagawa pa siya ng kakaibang musical instrument fusion ng tambol at kuyapi) at plawta. Mahalagang bahagi rin ng kanyang musika ang mga chant, na nagpaparagdag sa pagpapaganda ng musika at isang paraan ng pagpapalabas ng mga saloobin.

Isa lamang ito sa mga likha nya na awitin, at napili ko lang ito kasi, medyo senti, hehehe, pero okay lahat ang mga kanta nya. Maituturing ko talaga siya na ganap na artista, kasi bukod sa paglikha ng magagandang awitin, si Datu Waway ay isa ring guro, pintor at lider sa kanilang tribo – o ha, pinakyaw na lahat!

Bilang Daliri
Waway Linsahay Saway

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampu
‘di mabilang ng aking mga daliri
Ang aking mga suliranin

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampu
Mga paraan na aking sinubukan
Subalit wala roon ang kasagutan

At ako ay naglalakbay, tayo’y nagkatagpo
Tayo’y nagkasama, hawak natin ang isa’t-isa
Tumibay ang aking loob, pag-ibig mo ang aking lakas
Pagmamahal mo ay liwanag sa madilim kong landas

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampu
‘di na rin mabilang ng aking mga daliri
Ang aking mga pag-asa

At ako ay naglalakbay, at tayo’y nagkatagpo
Tayo’y nagkasama, hawak natin ang isa’t-isa
Tumibay ang aking loob, pag-ibig mo ang aking lakas
Pagmamahal mo ay liwanag sa madilim kong landas

At sa ating paglalakbay, tayo’y nagkatagpo
Tayo’y nagkasama, hawak natin ang isa’t-isa
Tumitibay ang aking loob, pag-ibig mo ang aking lakas
Pagmamahal mo ay liwanag sa madilim kong landas

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampu
Hindi na rin ako mabibigo

Monday, October 29, 2007

MBS1, ang rebyu!

Medyo ngayon lang ako nakahinga, busy kaayo kasi...pero sa mga susunod na araw, tiyak, magiging abala na naman ako, haaayyyy...pagod na ako...pero gusto ko munang magsulat tungkol sa MBS1…

Natapos kamakailan lamang ang MBS1 o Mindanao Blog Summit, at naging maayos naman, matagumpay at medyo marami-rami rin ang dumalo. Sa opinyon ko, naging matagumpay ang MBS1, kasi, hindi akalain ng bawat isa (sama sa mga nag-organisa at boluntaryo) na magiging ganoon na lamang kainit ang pagtanggap at pagkasabik ng mga bisitang dumalo (galing sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao, Visayas at Luzon). Sabik ang mga taong malaman kung sino-sino ang may akda sa kanya-kanyang mga blog, ika nga eh, magkakilala sa pangalan, pero sa mukha o personal eh hindi…ako nga eh, gusto kong malaman kung sino si “Mandaya Moore”, kaso, pagod na ako n’ung araw na ‘yun (bago pa man ang MBS1), kaya wala na ako sa mood, at paalis-alis din ako (abala sa personal na iskedyul), kaya, suya, hindi ko siya nakilala, at hindi na rin ako nakadalo sa isang piging na naka-eskedyul sa gabi, waaaaaah!

Komento ko sa MBS1, well, “constructive criticism” naman ito, para sa susunod na MBS o MBS2, eh mas maging maayos… dahil una palang ito, medyo nangangapa pa ang lahat sa daloy ng programa, sa pag-organisa, at hindi partikular sa oras. Bibigyan ko ng pansin ang oras, kasi, para sa akin, ito ang kalimitang nagiging sakit ng karamihan sa ating mga kababayan, at medyo dyina-justify pa ito sa tawag na “Filipino time”, well, dapat baguhin, dahil hindi ito maganda at lalong hindi ito nakakatuwa!

Hindi naman sa MBS1 ang pinupuntirya at sinisiraan ko, kundi pangmulat lamang ito sa atin. Sa lahat yata ng mga programa o pagpupulong na nadaluhan ko na, parang mabibilang lang sa mga daliri, isang kamay pa nga eh, ang mga nadaluhan ko na nagsimula sa oras, at naging partikular sa oras. Sana naman, ito dapat ang bigyan ng pansin.

Balik tayo sa MBS1, okay naman, okay ang mga naging bisita at tagapagsalita...nagustuhan ko ng husto ang mga sinabi ni Father Albert Alejo, o mas kilala sa tawag na Paring Bert, okay pala siya (weird nga eh, para sa akin, siya ang may pinakamagandang presentasyon, pero hindi siya blogger - dili siya kabalo mag-blog!)...binigyan nya ng pansin ang mga bagay-bagay na pwedeng maging paksa sa pagbo-blog: kagandahan ng Mindanao (salungat sa mga bali-balita), katotohanan, kagandahan ng buhay, at kapayapaan!

At sa iba namang mga tagapagsalita, maayos naman naging daloy, marami kang makukuhang impormasyon, lalo na n'ung dumating na 'yung paksa na pwede pa lang pagkakitaan ang pagbo-blog, grabe, gan'un pala 'yun! Napakalaki ang potensyal (basa: maraming pwedeng maging datung!).

...pero para sa akin kasi, hindi ko naisip 'yun (sa totoo lang)..nagsimula ang pagbo-blog ko dahil: (1) inggit sa mga kaibigan na mayroon - para maging "in", hehehe, (2) naging parang “diary” o “personal journal” ko na rin ito ng lumaon, (3) naging paraan ng aming komunikasyon sa mga malalayo kong kaibigan, kasi napalayo ako at napapunta ako dito sa Minadano, minsan, mahirap ang signal, hindi abot ng “text”, at (4) naging isang paraan din ito para makatulong sa pagbura ng masamang ipinintang larawan ng Mindanao. Ang ikaapat ang parang nasa puso ko ngayon, at medyo naging matagumpay, dahil marami na rin akong mga kaibigan mula sa Luzon at ibang bansa ang naengganyo na pumunta rito sa Mindanao, at mabura sa isipan nila ang pangit nga na larawan ng Mindanao. Whoah, nagiging seryoso na ah, at makabayan pa, hehehe….

…so ngayon, kung biglang pumasok ‘yung usapin na pwede pala itong pagkakitaan, ibang usapan na ‘yan, hehehe….pero sa totoo lang, ginagawa ko ito dahil…wala lang…enjoy lang, hehehe

So, ayan…ayan ang mga nasa isip ko…ang mga nasa sip ni balbona, hehehe…’yan ang mga pangyayaring gusto kong ikwento, haaayyyyy, kapoy kaayo, pahulay na ta!

At syanga pala…may naisip ako na mabuting slogan, at naisip ko lang siya n’ung eksaktong matapos ‘yung MBS1, eto po…”Bloggers do it on-line”, hehehe, okay ba?

Monday, October 22, 2007

Friday, October 19, 2007

Laag-laag lang!

Hey, kakagaling ko lang pala sa Talaandig Festival (isang festival ng grupo ng katutubo sa Lantapan, Bukidnon) nu'ng nakaraang linggo, at talagang nasiyahan kami d'un ng husto, kaso hindi pa nga lang handa ang mga kuha namin, kaya 'yung mga kuha na lang namin n'ung naunang buwan ang ipo-post ko rito. Medyo matagal-tagal din itong hindi nagawa, kaya sapalagay ko, ito na muna ang nararapat.

Nakakuha kasi ako ng gimik sa Lantapan, kumakapanayam (hehehe, malalim ba?) kasi kami nga mga tao tungkol sa mga epekto ng mga nakakalasong kemikal (pestisidyo) sa kanila. Kinakapanayam namin ang mga taong nagtatrabaho mismo sa loob ng mga plantasyon at ang mga tao o komunidad nakatira sa paligid nito.

Dati ko ng kilala ang leader ng grupo namin sa project na ito, kaso sa pangalan at reputasyon lamang, ngayon lang talaga kami nagkaroon ng pagkakataon na magkakilanlan ng husto at okey na okey pala siya. Sa una ay nahihiya ako, pero 'yun pala, katulad ko rin siya, berde din ang dugo, hehehe, mali pala…walang hiya pala, hehehe…biro lang po...ang binabanggit ko ay si Doktor Romeo Quijano.

Sa mundo ng mga NGO (non-government organizations), kilalang-kilala ang butihing doktor na ito sa larangan sa pagtulong sa mga nasalanta o naapektuhan ng mga nakakalasong kemikal galing sa mga plantasyon. Isa sa mga sikat na nailantad niya ay ang dokumentasyon sa isang maliit na barangay sa Mindanao, na naapektuhan ng husto ng mga nakakalasong kemikal (pestisidyo): mataas ang bilang ng mga namatay, nagkasakit ng malala (skin diseases, sa baga, sa puso), nagkakanser at kung ano-ano pa!

Ang barangay ay katabi ng isang plantasyon ng saging kaya halos lahat ng kemikal ay nasanghap na o halos naipaligo pa yata, ng mga naninirahan dito (aerial spraying) at ang nakakatakot pa nito, ang kanilang pinakatubig (ground water) na ay nalason na rin. Hindi ko na babanggitin pa kung saan ang lugar na ito, baka kasi mademanda ako eh, wala pa naman akong panlaban, kasi ‘yun ang ginawa nu’ng may-ari ng plantasyon. Dinemanda nito si Dr. Romy Quijano ng milyon-milyon na danyos perwisyo sa salang libelo daw, mabuti na lang sumaklolo ang ibang NGO at sumuporta sa butihing doktor. Naging mahaba at mabusisi ang proseso at pagdinig ng kaso, at hanggang sa ngayon ay dinidinig pa rin ito.

Kaya ngayon, kapag may nagtatanong na mga kaibigan ko sa mga raket o gimik ko, buong pagmamalaki ko talaga na sinasabi na isa na ko sa mga "Romy's angels" ngayon, hehehe!

Balik tayo sa gimik na ‘yun, eto na lang ang mga kuha namin….

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa daan pa lang...medyo nagkakasundo na kami, kasi mahilig din pala siyang mangilala sa mga iba't-bang uri ng halaman (challenge namin sa isa't-isa: 1000 scientific names ng halaman ang dapat saulo), maski na toxicologist siya.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Feeling may alam din, hehehe....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tapos, eto na, hataw na...iniisa-isa na namin ang mga bahay...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang mga bata, walang kaalam-alam na malaking peligro sa kalusugan nila na malanghap ang mga saging na naispreyan ng nakakalasong mga kemikal...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pahinga na muna, kapoy kaayo oi...with a big white friend!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...at n'ung pauwi na kami, isa pa uling halaman, ang pinagtalunan kung anong pangalan...mukha siyang ipil-ipil na mukhang malunggay na ewan...kailang pang kilalanin, hehehe

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Siyempre, kailangang makita ng malapitan at kumuha ng sample...at nag-pose pah ang lolah!

Tapos, sa mga grupo naman kami ng mga Talaandig tumuloy. Ito ang tribu na kinabibilangan ng isang sikat na magaling na artist na si "Waway Saway". Tribal music ang genre ng musika niya, kasirkulo nya sina Popong Landero, Joey Ayala, Bayang Barrios at iba pa...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa may bukana ng tribu Talaandig, mapapansin na kaagad ang mayamang kultura ng tribu!

Sinalubong kami ni Datu Vic, ang lider ng tribu, kasama ang kanyang maybahay na si Bae Nanapnay at kapatid na isa pang datu. Nagkaroon kami ng isang maliit na ritual bilang pagpapaalam sa mga espiritu ng kapaligiran na kami ay nasa lugar at binibigyan kami ng bendisyon na naging malaya na mag-ikot-ikot sa kanilang komunidad at naway maging matagumpay ang kalabasan o resulta ng aming pag-aaral.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Avah, at nakatawa pa...bilang paghahanda sa ritual...at siyempre, common sa mga ritual ay ang pag-aalay ng manok!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tapos, eto na, habang nagsagawa ng ritual at ang pagkitil sa manok...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...ang medyo nakakarimarim na sandali ng ritual...uhmmnnn, dugo!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...at pagkatapos, eh medyo namahinga ng kaunti, dahil niluto pa ang mga manok na kinatay para sa pangalawang bahagi ng ritual, na kung saan eh, kailangang kumain ang bawa't isa sa amin sa pagkaing ihahanda. Isang malaking problema sa akin sa mga panahong 'yun (tingnan nyo, seryoso nga) dahil hindi po ako kumakain ng karne, mabuti na lang at may nakahaing kanin sa pinaglagyan ng mga manok na luto, kaya 'yun na lang ang aking tinikman...dagdag impormasyon: kung anong parte ng manok na ginamit sa ritual ang kinain mo, makukuha mo raw ang katangian ng manok na 'yun, kaya 'yung mga kasama ko, mata ang kinuha para daw makita namin ang mga tinatagong lihim sa project na ito, at paa, para magkaroon ng sapat na lakas sa mga pagtahak na gagawin namin sa bundok kinabukasan, naks naman! Ako kaya? kanin lang 'yung kinain ko, kaya ako ay magkakaroon ng...unhhh...magiging...unnhhh...ewan?

Tapos, kwentuhan na ng husto, at ipinakita nila ang mga kanilang mga ginawang instrumento sa musika, mahilig kasi silang umawit at tumutog.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Feeling na naman na marunong tumugtog, tsar!...kudyapi nga pala ang tawag dito!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Dok, medyo marunong...at bihasa sa bandurya 'yan!

Kinabukasan, hataw naman kami sa pag-akyat sa bundok, sa pag-iimbestiga sa mga plantasyon!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Haaay, kalahating araw na lakad 'yan!

Nang matapos na kami, pagkakataon na para sa kin, 'yung kultura naman ang binigyan ko ng pansin...bukod sa pagtugtog, awit at sayaw, isa pa na medyo kakaiba sa kanila eh...SOIL ART!!! Mga ipininta na gamit ang lupa sa pagtimpla ng kulay!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Okay ang rendisyon nila ng araw! Gawa nga pala ni Balugto ito...bukod sa magaling na magtambol (percussionist), hataw ding magpinta!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...at isa pa...nasasalamin talaga ang kakaibang estilo sa pagpinta at guhit, kahanghanga!

..at ng matapos na ang panimulang tuyo ng grupo namin sa lugar, bago umalis, mega-posing muna, hehehe...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kuyawa oi!!!!

Monday, October 15, 2007

Friday, October 05, 2007

Puro bakak gyud!

Well, 'yan ang paniniwala nila....

Pumunta kaya sila dito, ng malaman nila ang totoo!

Isa na namang paninira sa Davao...haaay, kabaligtaran ng katotohonan....

Sa totoo lang, higit na TAHIMIK, MAPAYAPA at LIGTAS dito sa Davao!!!

Free Burma!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Thursday, September 27, 2007

Salamat, salamat musika...part 2!

Sa wakas (uli)!

Nai-post ko na rin 'yung mga paborito kong kanta na matagal ko ng pinakikinggan at hinahangad na maiparinig sa marami. Bihira kasi mga may alam nito eh, at sa ibang paraan pa para mo makuha at mapakinggan 'tong mga kantang ito (basa: mga pagpupulong at rally, kaya huwag nyo nga itanong kung paano ko 'to nakuha)...kaso, naniniwala ako na dapat marami ang makakarinig nito, kaya, ibabahagi ko na lang sa sinumang maliligaw dito (pero ibang usapin na 'yung "Kanlungan" ng Buklod na ginamit ng Mcdo, haaaaayyyyy.....makalagot). Marami pang iba, pero ito muna, hahanapin ko pa 'yung iba...

Bahagya nga lamang na medyo rebolusyonaryo ang dating ng mga awiting ito, pero, para sa akin, ito ang mga lantay ng musika ng buhay! Ang mga ito ang tunay na mga musika ng pag-iibigan...kay sarap pakinggan, kay sarap isipin, at kaysarap damhin!

Friday, September 21, 2007

Slumbook sa Tigulang!

Cute itong parang meme na nakuha ko...well, actually sa e-mail 'to pero mas okay kung sa blog na lang, hehehe.

  • Ever been so drunk you blacked out? Hindi pa naman, hanggang tipsy pa lang, o medyo lango na nga. Dalwang beses, isa sa bar, una kong naransang umikot ‘yung paningin ko at isa sa beach, talagang umikot ‘yung paningin ko, pero malapit naman sa tent n’un kaya okay lang…errr, lalake pa yata ako n’un kaya, pigil ang sarili, hehehe…
  • Missed school coz it was raining? Actually, sa ROTC n’ung college, umuulan sa amin sa San Pablo, pero hindi pala sa Los Baños, eh, naubos na allowed kong absent n’un kaya nakapag-make-up (hindi ‘yung kolorete sa mukha ha!) ako ng ‘di oras…
  • Kept a secret from everyone? Ay marami! Kung pababayaran ko ng piso bawat isang sikreto, siguro magkakaroon ako ng…PISO!
  • Had an imaginary friend? Wala naman!
  • Had a crush on a teacher? May naging crush ba akong teacher? Hmmmnnn….iniisip ko pa….
  • Ever thought an animated character was hot? Wala
  • Had a New Kids on the Block tape? Wala, pero alam ko mga kanta nila, at nakasimot ako dati ng magazine tungkol s akanila, kaya kilala ko sila! Ahaaay, Jordan Knight! “Step by step, oh baby…..”
  • Been on stage? Oo naman, maraming beses…at sa iba’t-ibang pagkakataon…grabe, naging muse ako ng PAROLAN sa Los Baños n’un, hehehe….
  • Cut your hair? Hindi, pero ate ko n'un, parati akong pinagpapraktisan, hanggang highschool pa kamo! Sa buhok ko naman sa ibang parte ng katawan, oo, naputol ko na sa sa ilong, sa kili-kili, at dibdib (isang beses lang dati)….

FAVORITES

  • Shampoo: Head and Shoulders, kasi malamig sa ulo.
  • Soap: Kahit ano, dati pa nga, Perla ng ginagamit ko eh, ngayon naman, mga handcrafted soap na.
  • Colors: Ay, rainbow! "Makulay ang buhay, sa sinabawang gulay!"
  • Day/Night: Uhmn, pareho, pareho kasi akong may nagagawang maganda sa liwang at dilim eh, hehehe.
  • Summer/Winter: Summer, wala namang winter sa Pilipinas eh.
  • Lace or Satin: Wala, ‘di ako nagsusuot nyan eh
  • Fave Cartoon Characters: Marami…lalo na sa komiks, pero parang si Cheetahra sa Thundercats at Octavia ng Tiger Sharks (parehong babae ah!).
  • Fave Food: Gulay, vegetarian eh…pero pwede ang sea foods, lalo na ang tuna at sugpo!
  • Fave Ad: Commercial ng Shampoo na laban sa dandruff, lalakeng umiihi tapos tingin ng tingin sa kasabay na lalakeng umiihi din, hehehe…at saka ‘yung “sa bukid walang papel…”
  • Fave Movies: “Moulin Rouge”, “Somewhere in Time”, “Mr. Holland’s Opus” at “Pretty Woman”.
  • Fave Ice Cream: Rockyroad ang da best!
  • Fave Subjects: Filipino, sa Noli at El Fili ni Rizal!

RIGHT NOW

  • Wearing: Jeans at T-shirt na katsa ang tela, na maraming bracelets at kwintas na ethnic (trademark kong suot eh).
  • Hair is: Maikli na...Roman cut, paunti na ng paunti eh, kaya kailangan ko ng humarap sa katotohanan…marami ngang buhok, sa ibang parte namn ng katawan, suya!
  • I'm feeling: Gutom…maski kakameryenda ko lang kanina...pero, craving for something eh!
  • Eating: Laway, nakaharap sa compu eh!
  • Drinking: Wala, nakaharap nga sa compu eh!
  • Thinking about: Love, magkaka-fafah kaya ako?
  • Listening to: Wala, naka-turn-off ang windows player eh!
  • Talking to: May, kasama ko rito sa store, uuna na raw siya, ako maiiwan dito sa store….

IN THE LAST 24 HRS

  • Cried: Medyo, nabasa ko uli kasi ‘yung “After Eden” ni Arnold Arre eh!
  • Wearing a skirt: uhmmnn, ‘di ko type, hanggang malong at tapis lang ako.
  • Met someone new: Walang bago, dating kakilala meron, kapatid ng sis ko sa Los Baños, narito rin pala siya sa Davao.
  • Cleaned your room: Bukas pa naka-schedule uli.
  • Done laundry: Kakatapos nga lang, pero marami na uling nakatambak!
  • Drove a car: Hindi, wala akong sasakyan at hindi ako marunong!

DO YOU BELIEVE IN

  • Yourself: Oo naman, napaka-engots mo naman kung maski ikaw hindi naniniwala sa sarili mo!
  • Your friends: Siyempre, panglwang pamilya ko sila eh!
  • Santa Claus: Parang maski n’ung bata ako, hindi ako nainwala sa kanya, eh ‘di lalo na ngayon!
  • Tooth Fairy: Hindi, gagayahin ko sagot ng kaibigan ko na si Weng, ganoon din ang paniniwala ko n’un eh: tinatapon sa bubong para daw tumubo ulit.
  • Destiny/Fate: Masarap paniwalaan…
  • Angels: Oo, ‘di pa nga lang ako nakakakita, pero sa anthroposophy, ibang konteksto….
  • Ghosts: Oo, maraming beses na, ‘di ko nakikita pero nagpaparamdam…at mga elemental, ‘yun ang marami akong encounter!
  • UFO's: Wala pa naman….

FRIENDS AND LIFE

  • Do you have a boyfriend/girlfriend? EX-BOYFRIEND, single ako ngayon, hint, hint…..
  • Like anyone? Sa ngayon, crush at mga inaasam-asam sa kama (minamanyak sa isipan), hehehe!
  • Who's the loudest? Balhatak, hmmmnnnnn, marami sila eh, puro balhatak lahat!
  • Who's the shyest? Wala, outcast kapag shy!
  • Who's the weirdest? Hmmmnnn….ako ‘yun eh!
  • Who do you go to for advice? Wala sa pamilya, kalimitan sa mga kaibigan, komplikado eh…
  • When did you cry the most? Bawal kasing umiyak sa pamilya namin eh pamula ng mamatay tatay ko n’un…sa sarili ko lang, sa lovelife, n’ung maghiwalay kami ng BF ko…hikbi!
  • What's the best feeling in the world? Madramah ito…kung may nagmamahal sa ‘yo!
  • Worst feeling: Kapag pinagplalanuhan ka ng masama…naramramdaman ko eh!
  • This email the fastest? Hindi, kaso libre naman eh, Wi-Fi kasi compound ng opisina kay okay lang!
  • Who won't reply? Ewan, galling sa e-mail pero ipo-post ko ‘ito sa Blog ko, maganda eh, para masaya!
  • Who sent this 2u? Si Wengerts, apat na taon na raw ang nakalipas, bago nya ibinigay ito….
  • Do you want all your friends to do this and send it back to you? I-post na lang sa mga may Blog…hmmmn, i-tag ko si Jonas, Gerry, Raipo, Carver at Jeffrey (Banana)!

Saturday, September 15, 2007

Tuesday, September 04, 2007

Pasintabi po sa mga mahihina ang sikmura...

Unhhhhh, medyo nakatanggap ako ng medyo hindi maganda na e-mail, at medyo nakakasindak siya, pero para sa kaalaman ng lahat na naliligaw dito, maganda siyan i-post dito....

Dati, nakatanggap na ako ng ganito, n'ung nasa Los Baños, Laguna pa ako nagtratrabaho, mga taong 2000 yata 'yun...halos ganito rin, pero mas grabe ngayon...akala ko natigil na ito eh, indi pa pala...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

...at ito po 'yung nakasulat sa e-mail...

Brief translation :

Shocking news circulated in China . A town in Canton is now on trend taking baby herbal soup to increase health and sexual performance/stamina. The cost in China currency apprx $ 4000 (I think it is about R2000).

A factory manager was interviewed and he testified that it is effective because he is a frequent customer. It is a delicacy whereby expensive herbs are added to boil the baby with chicken meat for 8 hours boiling/steaming. He pointed to his second wife next to him, who is 19 (he is 62), and testified that they have sex everyday. After waiting for a couple of weeks he took this reporter to the restaurant when he was informed by restaurant Manager that the spare rib soup (local code for baby soup) was now available . This time it was a couple who have 2 daughters and this 3rd one was confirmed to be a daughter again. So the couple aborted the baby which was 5 months old. Those baby close to be born and die naturally costs 2000 in China currency. Those aborted ones cost a few hundreds in China Currency. Those couples who did not want to sell dead babies, placentas can be accepted also for couple of hundreds. The reporter making comment that is this the problem arised from Chinese being taking too much attention in health or is the backfire when China introduced one child in a family policy (since majority prefers to have male babies and those poorer families need ended up selling their female babies).

Okay, ito na pala ang nangyayari ngayon, gagawin ang lahat para lamang maibsan ang tawag ng laman, ick!

tatlong taon nahhhh!!!!

Whoah, 'di ko akalain, naka-3 taon na rin pala ang blog na ito!

Nagsimula sa inggit sa mga kaibigan na may blog, nakigaya at medyo nag-evolve na ng kung anu-ano. Naging parang bulletin board na rin nga mga pinaggagawa ko noon at balita ng mga pangyayari na naranasan ko dito sa Mindanao.

N'ung binasa ko 'yung mga nakaraan na entry, naalala ko 'yung dating buhay ko d'yan sa Luzon, kung paano ako naging bayaran o puta sa aking dating trabaho, huhuhu....

...at hehehe, alaaala na lang 'yun, pati na rin n'ung kabado ako sa pagpunta ko dito sa Mindanao...mga nakita rito at gimik...at higit sa lahat ang paglaladlad ko ng aking bongacious na kafah!

Hehehe, maganda at masarap mabuhay!

Grabeh, diary ko nga ito na nababasa ng lahat, well, gusto ko naman ng gan'un...para makilala nyo ako ng husto at wala akong tinatagong mga lihim (actually, meron pa rin, pero medyo censored na 'yun, 'di na pwede dito)....

Aaaahhhh, ang bilis nga naman ng panahon....

Saturday, September 01, 2007

Pasko! Pasko! Pasko na namang muli...

Mauuna akong bumati sa inyo ng MALIGAYANG PASKO!!!

oh 'di vah, char!
Related Posts with Thumbnails